WJM- Two
France
Happy reading guys :*
(Lucas at the right side)
------
"Aira! Ano ba dalian mo naman kanina pa naghihintay si Lucas dito kahit kailan ka talaga . Ang bagal mo!" narinig kong sigaw ng ate sa labas ng kwarto ko, napasarap kasi masyado ang tulog ko at nakalimutan kong may lakad nga pala kami ngayon ni Lucas.
"Saglit lang, matatapos na!" sagot ko naman sa kanya. Hindi rin nagtagal natapos na rin ako sa pag aayos, isang simpleng hanging blouse kulay pink, then skinny jeans na black, wedge heels kulay pink and then yung regalong hand bag sakin ni Mommy, nag make lang ako ng super light namumutla daw kasi ang pag walang make up, kinulot ko lang kalahati ng mahabang kong buhok.
"Kaya pala ang tagal ng mahal ko, nagpaganda pa eh talaga namang nuknukan ng ganda." sabi nya habang kanina pa pasulyap sulyap sakin, nasa byahe na kami pupuntahan namin ang parents nya, kakauwi lang kasi galing Japan, magbabakasyon daw mula sila dito dahil miss na din nila ang anak nila.
"Tumigil ka na ng kakatingin sa akin, yang daan ang pagtuunan mo ng pansin wag ako alam mo naman ganito ako lagi diba?." sagot ko sa kanya, habang hindi maalis ang ngiti sa labi ko.
"Masama bang tingnan ang pinamamahal ko? Eh sa masarap kang tingnan anong magagawa ko, I know Baby, you are very beautiful as always." malambing na mahayag nya, agad namang akong kinilig sa sinabi nya. Nginitian ko lang sya at nagpatuloy sya sa pagmamaneho.
"OMG!! I miss you so much Hija." Bati agad sakin ni Tita Lourdes, namiss ko din si Tita super close kami nito, parang mommy narin ang turing ko sa kanya.
"I missed you din po Tita." bagbati ko sa kanya, agad naman itong ngumiti sa sakin.
"Ow my Baby Boy." sabay yakap nya ng mahigpit kay Lucas, pero parang naiirita si Lucas na kilos ng kanyang Mommy.
"Mommy naman, nandito ang mapapangasawa ko oh." sabay turo sakin ni Lucas agad naman kaming nagkatinginan ni Tita Lourdes nag kibit balikat nalang ako sa kanya na sya namang nagpatawa sa kanya ng malakas.
"Sus, ang baby boy ko nahihiya." sabay kurot ni Tita sa pisngi ni Lucas, agad naman syang napabuntong hininga na parang sumusuko na sya sa kakulitan ng Mommy nya.
Masayang kaming nag tanghalian kasama ang iba pang relatives nya, nabalitaan ko rin na may iniinda ng sakit si Tito Carlo.
"Kailan nyo balak magpakasal?." tanong ng isa sa mga Tita ni Lucas.
"Wala pa pong date Tita, pero siguro mga 2years from now."sagot ni Lucas, sabay hapit sa beywang ko.
"Paguwi mo magpakasal na kayo, aba sayang ang panahon." agad namang akong napakunot sa sinabi ng kanyang Tita, anong pagkauwi ang sinasabi nya. Hindi naman aalis si Lucas, agad akong humarap sa kanya at binigyan ko sya ng nagtatanong na mukha.
"Oooppppssss." sabay inom ng kape ng Tita nya.
"Excuse me lang po." paalam ko at dali dali akong umalis.

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...