FOURTEEN- BAGUIO/LAST DAY
Nakaramdam ako na parang mayroon humahaplos sa aking buhok. Dinama ko muna ito, pero nakaramdam din pa kasi ako ng antok kaya naman nanatiling nakapilit ang akong mga mata. Hindi nag tagal napagpasyahan ko na dumilat na hindi narin kasi ako makatulog dahil walang tigil ang paghaplos sa akong buhok.
Pagkadilat ng aking mata nakakita agad ako ng isang gwapong lalaking nakatingiti. Bukod sa kanyang mga ngiti ay nakakita rin ako ng liwanag. Kaya naman napapikit ulit ako. Nakarinig ako ng maliliit na tawa.
“Good morning sleepyhead.” Masayang bati nito sakin. Napadilat ako napagtanto kung si Charles pala ito. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Bigla nalang akong nakaramdam ng labi saking pisngi, dahilan para mas lalo akong magising. Bigla itong tumayo at pumasok sa CR habang tuloy parin ang pag ngisi nya.
“Fix yourself Honey, ang bre-breakfast na tayo.” Then pumasok na sya. naiwan naman akong nakatulala lamang. Umupo ako sa kama at laking gulat ko ng biglang nahulog ang kumot sa aking katawan kaya naman kitang kita ang aking dibdib at tyan. Dali dali kong inangat ang kumot para matakpan ang hubad kong katawan.
“Shit!” mahina kong saad. Sabay tingin sa limalim ng kumot at kitang kita kong ang aking sarili na natatakpan lamang ang aking hubad ng katawan ang kumot na nakapatong sakin.
May….May nangyari sakin?Bigla kong tiningnan ang paligid nakita ko ang damit naming nakakalat parin sa sahid, ang mga petals, ang kandila na walang ng sindi. Nakita ko rin ang kamang mayroong pula, pula? PULA? OMG.
Ang akala ko ay walang nangyari samin? So natuloy pala? Ang alam ko pigilan ko sya? Bakit may nangyari? This is wrong. This is definitely wrong. Agad ko nalang nahilamos ang aking mukha gamit ang aking palad.
‘Aira walang mali sa ginawa mo’
‘Mali ito. Dahil hindi mo naman sya mahal’
‘Mag-asawa sila kaya okay lang ito’
‘Pero hindi nila mahal ang isa’t isa’
“Shut the fucked up.” Mahina ngunit madiin kong saad, nag tatalo ang utak ko. Pati sila hindi alam kung tama ito. Pero ano nga ba? Tama ba ang naging desisyon ko?
“Honey?”
“Honey? Are you okay?”
“Jazzmine?”
“Honey!” nabalik naman ako sa ulirat. Agad naman napatitig sa kanyang mata, sa nagsusumamo syang mga mata.
“Honey? Okay ka lang ba?” marahan nyang tanong. Sabay haplos sa aking pisngi.
“Ah… O-oo o..kay lang ako.” Mauutal kong sabi. Bigla naman itong ngumiti sakin at hinalikan ako sa noo, hindi basta basta halik, punong puno ng damdamin ang kanyang mga halik.
“Tayo na. Wag shower kana, baka hindi ako makapag pigil.” Sabay ngisi nya sakin, bigla ko nalang naalala na kumot nya lang pala ang nagtatapo sa aking katawan, nakita ko nalang twalya lamang ang nakatakip sa kanyang pang ibaba. Shit! Stop teasing me. Gosh!
Inalalayan nya akong tumayo pero hindi parin mawala sa kanya ang ngiti. Ganyang ba talaga sya kasaya kapag kasama ako? Ako ba ang nagbibigay ng mga ngiti sa kanyang labi?
Matagal akong nagbabad sa bathtub. Nakakarelax ito, nawala lahat ng iniisip ko. Naka pikit lamang ako. Dinadama ang bawat tampi ng tubig sa aking katawan. Nakakatanggal ito ng mga mabibigat kong iniisp.
BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomansaSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...