WJM: Eleven

2.2K 25 8
                                    

WJM: ELEVEN

Honey 

 

“Aira, ngayon nyo ba bubuksan ang gift nyo o pag dating nyo na?” tanong sakin ni Tita habang umiinom ako. 

“Hindi ko po alam kay Charles  Tita.” Sagot ko naman, sabay tingin kay Charles.

“Pag uwi na po namin Mom, gusto ko po munang matulog kahit saglit bago kami umalis, medyo mahaba haba po ang byahe namin.”

Ilang minutes lang ang naisip na nilang umalis, dahil nya katulad ng gusto ni Charles, gusto nya munang magpahinga.

 “Bye. Ingat kayo sa byahe iho.” Sabi ni Mommy.

“Yes Tita, thank you po sorry at hindi ko na po ako ma entertain pa. Too tired.” Sagot naman ni Charles.

“It’s okay Iho.” –Daddy

“Okay. Bye, enjoy. Call me kapag nasa Baguio na kayo.” Tita Marissa

“Yes Tita we will, bye. Take care and thank you.” Nag smile sila samin at nakipag beso beso na kami sa kanila.

“Congrats.” And they smile.

“Umakyat kana, para makapag pahinga ka saglit at makapag palit na ng damit.” Sabi ko sa kanya habang bumababa ng hadgan nakita ko kasing nakasandal ng ulo nya sa sofa at hawak nya ang sentido nya.

Humarap muna ito at ngumiti sakin. “Maya maya konti, bubwelo lang ako.”

“Masakit ang ulo mo?” tanong ko sa kanya dahil nakita kong nakahawak sya sa sentido nya.

“Yeah. A little bit.” Simpleng sagot nya. Agad naman akong tumayo ng bigla nyang hawakan ang wrist ko.

“Hep, where are you going?” pagtatakang tanong nya.

“Kukuha ng gamot?” patanong kong sagot, ngumiti lang ito at binitawan nya na ako. Psssh! Porket cute ngumiti panay na ang ngiti? Ganon?

Nagpunta na ako sa kusina at nag hanap ng gamot, buti naman at may gamot pang sakit ng ulo, kumuha narin ako ng isang basong tubig at agad akong bumalik sa sala.

“Here uminom kana.” Sabay abot ko sa kanya. 

“Salamat.” Then he smile, tsk ngiti naman ng ngiti. Palibhasa ako simangot naman ng simangot.

“Sabihin mo lang kung hindi mo kayang mag drive, pwede namang sa ibang araw nalang tayo umalis.” 

“Nah. I’m fine, don’t worry kaya ko isa pa. Honeymoon natin iyon hindi pwedeng ipagpaliban staka naka booked narin ako sa hotel so hindi na talaga pwedeng icancel.” Wow! Just wow. Okay, reading ready talaga sya.

“You sure?” paninigurado ko.

“Yeah.” Again he smile. Fine! Cute sya sige na.

Nakita ko ang mga sangkatutak na regalo na natanggap namin ngayon, yung iba ang lalaki yung iba naman ay nasa sobre. Ano kaya ang laman ng mga iyan?

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon