WJM: Forty- Three

1.2K 29 3
                                    

WJM Forty- Three

Isang araw

Aira's POV

Habang dumaan ang mga araw mas lalong nagiging masama ang buong bahay na ito, laging masaya, laging maingay, lalo na ang dumating sa buhay ko ang Prinsesa ko. Una na lahat hindi ito ang goal in life ko, ang makita ang anak ko at ang asawa ko na masaya kaming namumuhay pero ng natutunan kong mahalin si Steven, nag bago ang pananaw ko sa buhay.

Maganda ang naging impluwensya ni Steven sa buhay ko, sa buong pagkatao ko at nagpapasalamat ako sa kanya dahil doon.

Hindi ko inakala na mag wowork-out ang arranged marriage naming ito. Akala ko ng una walang kahahatungan dahil super inlove ako kay Lucas noon, pero sa araw araw na magkasama kami ni Steven, hindi ko alam na unti unti na pala akong napapamahal sa kanya.

Kung dati ay sobrang laki ng galit ko sa lolo ko dahil sa ginawa nyang pangingielam sa buhay ko, ginawa akong pinakasal sa lalaking hindi ko gusto ni hindi ko kilala. Pero ngayon, masaya ako sa feeling nya, plus ang anak naming dalawa. Parang gusto kong magpasalamat kay lolo dahil sa ginawa nyang pangingielam sa buhay.

Sabi nila nasa huli ang pag sisisi, sinabi ko rin sa sarili ko iyon, pero ngayon sa ganito kaganda ang kinalabasan ang pamilya ko, kahit ni katiting wala akong pinag sisisihan. Sa halip nag papasalamat pa ako.

"Oh ang lamin naman ang iniisip ng pinakamaganda kong asawa, ang aga aga." paglalambing nito sabay yakap nya sakin ang sobrang higpit. 5:30 na ng umaga, mamayang 6am ay babangon na kami dahil papasok pa sya.

"Masaya lang ako."  ngiting sabi ko sa kanya. Bahagya nya namang isiniksik ang ulo nya sa balikat ko dahilan para makiliti ako sa ginagawa nya. 

"Talaga? Masaya ang asawa ko? Bakit naman masaya ang asawa ko?." mapaos paos pa ang kanyang boses halatang bagong gising. Kung dati ang walang epekto sakin ang sobrang gwapo nyang mukha, ibahin nyo ngayon. Parang my kung anong ewan na naghahalukay ng tyan ko sa tuwing nandito sya sa tabi ko.

Kahit anong gawin sya, tingin nya, ngiti nya, lahat nag papagulo ng buhay ko. Ganyang katindi ang epekto nya sakin.

"Hindi ko inakala na bibigyan ako ng isang anak." nakapikit kong saad. Nararamdaman ko naman ang malikot nyang kamay na naglalakbay sa buong katawan ko. Nakikiliti ako sa bawat hawak nya sa katawan ko, nagbibigay iyon ng ibang sensasyon na nakakapagpabaliw sa sistema ko.

"Ako din masaya Honey ko." husky voice itong sabi na talagang itinapat sya sa tenga ko dahilan para kilabutan ko, hanggang sa naramdaman kong dumapo ng ang isang kamay nya sa kaliwang dibdib ko at marahan nya itong pinaglaruan at pinisil pisil. Iniiwas kong hindi sya suklian sya pang-aakit na ginagawa nya dahil, pero masakit pa ang ibabang parte ko.

"Bakit naman?" pigil ungol kong tanong sa kanya. Hindi ako mapakali sa ginagawa nya. Nababaliw ako. Nakakabaliw. 

"Una sa lahat minahal mo ako, bonus nalang dahil bingiyan mo pa ako ng isang napakagandang anak. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya Honey ko." aniya. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko, sobrang init nun.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon