Twenty-Four
Lutang akong pumasok sa opisina. Hindi ko malaman kung nasaan si Charles. Ayoko naman tawagan si Tita at baka kung ano pa ang kanyang isipn. Hindi ko naman magawang magtanong pa ng magtanong kay Nana dahil nahihiya ako.
“My problema kaba? Wala yata ang isip mo ngayon dito.” Malumanay na sabi ni Lucas. Kasama ko ngayon sya sa favorite restaurant namin dapat talaga ay hindi ako sasama muna sa kanya ngayon dahil hahanapin ko sana si Charles pero ewan ko nakaramdama ako ng inis ng hanggang ngayon ay namalan kong hindi pa sya umuuwi.
“Ah sorry my iniisip lang.” walang sa sarili kong sabi. Habang pinaglalaruan ng pagkaen nasa harap ko.
“Nag away ba kayo?” tanong nito sakin habang pinupunasan ng dahan dahan ang kanyang bibig. Napabuntong hingi nalang ako bago sumagot sa kanya.
“Oo eh, hanggang ngayon hindi pa umuuwi.” Sabi ko habang matuloy ako saking ginawa. Bigla nalang syang huminto ng pagkaen at malalim na tumungin sakin.
“Kaya naman pala ni hindi mo ginagalaw ang pagkaen mo, salita ako ng salita pero wala kang pakielam. Sana sinabi mo para hindi nalang kita inaya. Iba rin naman pala ang iniisip mo.” inis itong sabi sakin. Tsk! Masyado naman akong nagpahalata.
“Baby sorry na.”suyo ko dito sabay hawak ng kanyang kamay ngunit padabog nya itong binawi sakin.
“Dalian mo. ihahatid na kita may pupuntahan pa ako.” Dali dali syang nag lakad para tuntunin ang parking lot. Napakagat naman ako ng labi ko . amp! Masyado naman kasi akong halata nakakainis, bakit ba kasi sya ang nasa isip ko.
Lucas POV
Nakakainis kwento ako ng kwento akala ko nakikinig sya panay ang tango at pagmatatawa ako at bahagya itong natatawa. Nakakainis lang, ako ang kasama nya pero iba ang nasa isip nya.
(Hi! Saan ka ngayon? Kita tau? Dito ako sa bar. See yah :*) text ni Erin sakin.
Agad naman akong napangiti ng mabasa ko ang text nya. Mukhang hindi ako mahihirapan na makahanap ng makakausap ngayon ha. Pagkatapos ng Lunch namin ay inihatid ko na si Aira sa office nya at ako naman ay dali daling pumunta sa bar na sinabi ni Erin sakin.

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...