WJM: Six

2.4K 26 3
                                    

WJM- Six

Broken Heart 

“A broken heart bleeds tears.” 

“Aira, nagpunta kanaba ng boutique? Nakita mo na ba ang wedding gown mo?” Masayang tanong sakin ni Mommy pero hindi ko sya pinagtuunan ng pansin dahil busy ako kakatext.

Nagparamdam na ulit ang aking mahal na si Lucas. God! Sobrang namiss ko sya, naloloka ako simula nung nagparamdam sya parang nabuhay ulit ang kalahati ng puso ko, kaso na guguilty ako hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nalalapit kong kasal. Damn! Hindi ko alam kung papaano ioopen sa kanya, hindi ko alam! Mababaliw ako ng tuluyan. 

“Hindi pa Mom, tinatamad po ako. Next time na po iyan, katext ko pa si Lucas.” Agad naman akong nakarinig ng dalawang babasagin na nagtama. Napatingin ako kay Mommy, nakita ko ang galit nyang mata.

“Diba sabi ko itigil mo na iyan!” ramdam ko ang galit sa boses nya. Matino naman siguro ang Mama ko hindi ba? Anong akala nya ganong kadaling iwan si Lucas. HELL NO!

“Pwede ba Mom, I love Lucas kaya kung gusto ko syang itext ay wala na po kayo doon.” Pigil kong saad, hanggat maaari ayoko ko syang sigawan. Nagpipigil ako, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko magtiis ang magpigil.

“AIRA, IKAKASAL KANA!” malakas ns sigaw nya sakin. Kita ko ang galit sa kanyang mata.

“DAHIL GUSTO NYO, HINDI DAHIL GUSTO KO!” sigaw ko sa kanya, nakakainis. Pinipigilan nila akong makausap ang TAONG MAHAL KO. THIS IS HELL!

“Aira, wag ka nyang umastang parang bata, one week nalang ikakasal kana. Ituon mo ang atensyon mo kay Steven hindi kay Lucas. ”nakabuntong hinga naman ako. Grabe bakit paring hindi naging close si Lucas at Mommy. Inirapan ko nalang sya at masamang tiningnan.

This past few week, or sabihin na nating nung araw na sinabi nila na ipapasakal nila ako sa isang Madrid ay parang laging mainit ang ulo ko sa parents ko, parang naiirita ako, kasi sa tuwing makikita ko sila naaalala ko na ikakasal ako, at worst sa taong hindi ko mahal, ni hindi ko kilala. Ewan! Hindi ko naman talaga sila sinasagot, nag simula lang ito noong sinasabi nila sakin ang tungkol sa kasal ko.

 Hindi naman siguro nila ako masisisi doon. Kasalanan din nila iyon.

“Pwede ba Mom, pumayag ako sa kasal na gusto nyo. Maging Masaya nalang kayo. ” agad naman lumapit sakin si Mama, kita ko parin ang galit sa kanyang mala chestnut brown na mata.

“Alam ba ito ni Lucas?” tanogn nito sakin na may mala pusang tingin, para naman akong napako sa kinatatayuan ko sa kanyang tanong, ang dali ng tanong ni Mama pero bakit hirap na hirap akong sagutin.

Hindi ako makapag salita, hindi ko alam kung anong isasagot ko.

 Tiningnan nga lang ako ng panunuyang tingin, mas lalo akong nainis sa paraan ng titig sakin ni Mommy.

Kung kanina ay nakatingin ako sa kanyang mga mata, ngayon naman ay nakayuko nalang ako. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Lucas. Sige kaya kong sabihin sa kanya, pero ang hindi ko kaya ay kung anong isasagot nya.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ang magiging sagot nya.

Hindi ko alam kung anong isasagot nya, hindi ko alam! Ang tanging alam ko ay magagalit sya pag nalaman nya ito, pwede nya akong hiwalayan at iyon na ata ang hindi ko kaya at hindi ko matatanggap, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko masabi sabi sa kanya hanggang ngayon, dahil takot akong malaman kung ano ang isasagot nya. Hindi ko ata kayang mawala sya sakin, hindi ko ata kaya iyon!

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon