SEVENTEEN- MRS. JAZZMINE AIRA R. RAMOS
Aira’s POV
Tuesday
Nagising ako sa liwanag na naaaninag ko galing sa aking pagkakapikit. Pinilit ko pang matulog pero hindi ko na talaga nagawa pa dahil gising na gising na ang aking diwa. Mabilis kong kinapa ang aking cellphone sa side table na nasa aking kanan.
Makita kong 8:30 na pala ng umaga. Tsk late na ako sa aking trabaho nakalimutan ko kasing mag alarm kagabi sa sobrang pagod at antok. Napansin ko naman na wala akong katabi kaya agad akong napatingin sa kabilang side ng kama. Nakita kong wala na si Charles.
Tumayo na ako naligo at nag ayos. Bumaba na ako para makapag agahan, nakita kong naglilinis si Nana ang sala, habang nagpapatugtog ng mga musika na pasok sa kanyang edad.
“Good morning Aira, nasa kusina ang agahan mo iha kumaen kana.” Pag katapos ay ngumiti ito sakin. Ngayong araw palang kami magkakasama ni Nana pero masasabi kong mabait sya, sobrang bait.
“Good morning po. Si Charles po?” medyo nag aalangan kong tanong. Ngumiti muna ito sakin bago sumagot.
“Maagang umalis iha, dahil panay ang tawag sa kanya ng mga katrabaho nya. Ipinagbilin ka nalang nya sakin siguraduhin ko daw na kakaen ka bago ka pumasok sa trabaho mo kaya kumaen kana.” Hindi manlang nya ako ginising. Sabagay bakit nga nya naman ako kailangan gisingin. Okay lang ayoko kasing makalapit ang loob naming dalawa, ayokong sumagi sa isip nya na maaaring mag work itong marriage namin dahil hindi iyon mangyayari.
“Ah ganon po ba. Kumaen na po ba kayo?” tanong ko habang tuloy tuloy sa paglakad papuntang kusina.
“Tapos na iha, sabay kami ni Steven. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita?” akmang lalalpit na ito sakin.

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...