4: Saved

3.8K 127 1
                                    

:



Nasa school pa rin ako. Hindi ako nagpasundo kay Daddy dahil mag-i-stay ako sa room hanggang 4:30. Dito ko na tinapos 'yung project ko para iiwan ko na lang dito at hindi na iuuwi. Malaki kasi 'to masyado kaya hassle kung dadalhin ko pa pauwi at papasok bukas.


Natapos ako nang 4:45. Nilinis ko pa ang area na pinag-gawaan ko ng project kaya alas singko na 'ko nakaalis sa school.


Paglabas ko ay napakadilim ng paligid. Wala akong dalang payong. Malamang malakas 'tong ulan na 'to.


Nang nagsimula akong lumakad, nagsimula na ring umambon kaya nilagay ko ang kamay ko sa ulo ko. Malakas din ang hangin kaya tumataas ang skirt ko.


Buti pala tinapos ko na ang project ko sa room dahil kung hindi, mababasa pa 'yon kung sakaling dinala ko.


Sumilong muna ako sa pinakamalapit na waiting shed. Medyo lumakas na rin ang ambon. Kung kanina ay madalang ang patak, ngayon madalas na.


Lumingon-lingon ako sa paligid kung may makikita bang taxi o kahit tricycle man lang pero wala. Malamang, nasa biyahe ang mga iyon.


Habang busy ako sa katatanaw kung may darating bang sasakyan ay may naramdaman akong presensiya sa aking tabi. Tinignan ko iyon at nakitang si Brix pala. Napairap na lang ako nang tumingin din siya sa akin nang nakangisi. Bukas pa ang tatlong butones ng polo niya. Sa tingin ko'y may ginawa na naman siya.


"Wala kang sundo?" He asked.


Hindi ko siya pinansin at sinagot.


"May payong ka bang dala?" He asked again.


Huminga ako nang malalim para pigilan ang inis na nararamdaman. Ano bang pake niya? Tanong siya nang tanong.


"I'm talking to you Ran." He said like a threat.


Napairap na lang ulit ako at bahagyang lumayo sa kan'ya. Tumawa naman siya dahil sa ginawa ko.


"Bakit ka ba umiiwas 'pag narito ako? Hindi mo rin ako pinapansin. May gusto ka ba sa akin?" Pagbibiro niya.


I almost scoffed! Aba't Napakapal naman ng mukha niya. Ni hindi nga siya pasado sa standards ko gaya nang sabi ni Jahi! He's so full of himself!


"Alam mong gusto kita at alam kong type mo rin ako. Huwag ka nang pakipot, Ran." I could sense his smirk.


Tumingin ako sa kan'ya nang may halong pagkainis at pandidiri. "You know what, Brix? Humanap ka na lang ng ibang babae na papatol sa 'yo." Saka ako lumakad palayo.


"Asshole." I mumbled.


I walked myself out of that waiting shed despite of the rain. Nang may naramdaman akong nakasunod sa akin ay binilisan ko agad ang lakad ko. Wala akong pake kung nababasa na ako ng ulan.


Lumiko ako sa isang daan at may nakasunod pa rin sa akin! Lumingon ako sa likod at nakitang si Brix iyon!


Humarap ako sa direksiyon niya. "Why are you following me?" I asked nervously. Unti-unti nang bumabalot ang takot sa akin.


"Not until you tell me you like me too." Saka siya tumakbo papunta sa akin.


Nanlaki naman ang mata ko at tumakbo rin! Kabadong-kabado ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Knowing Brix is just behind me! Kunting sprint na lang ay maaabutan niya na 'ko. And the fact that he's tall so his steps are definitely bigger than mine!


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now