31: Back

3K 119 32
                                    

"Kimuel!" Gosh, where is that kid again.


"Kimuel, you're hiding from Mom again. If you don't show yourself, hindi ko ipapakilala sa 'yo ang Daddy mo." I threatened. Kanina pa 'ko nag iiikot sa bahay, hindi ko pa makita ang bata na 'yon.


"Hay nako, you're lying to your son again. Laging iyan ang sinasabi mo kapag pinagtataguan ka ng anak mo. Nasanay na sa mga salita mo kaya hindi na natatakot." Instead of Kimuel, si Jahi ang nagpakita sa akin.


"Pinangba-blackmail mo lagi 'yan, e how many years had passed, ni pangalan ng tatay niya hindi mo sinasabi. 5 years old na si Kimuel, kapag tumanda pa iyan, magtatanong at magtatanong 'yan tungkol sa tatay niya." Dugtong niya.


I just sighed after hearing Jahi's lesson. Alam niya naman na wala talaga akong balak na ipakilala sa anak ko si Kio. At wala rin akong balak ipaalam kay Kio na may anak kami. What for? Nakaya ko namang alagaan ang anak ko for 6 years.


"Sa garden nga tayo mag usap. Hayaam mo muna ang anak mo. Andoon sa kurtina, naglalaro." Sabi ni Jahi.


Agad naman akong napatingin sa kan'ya. "Nasa kurtina?"


"Oo. Nagtatago nga sa 'yo tapos tawa nang tawa. He said, 'Tita Jahi, don't tell Mom that I am here. Let her look for me all over the house.' Then he giggled. Tamo, tuwang tuwa pa ang anak mo kapag naiistress ka kahahanap sa kan'ya."


"That kid." Napailing ako. Makalokohan talaga. Napakulit, parang si...


Lumabas na kami at pumunta sa garden.


"Ah, ang lamig na naman sa Alberta," bulong ko.


We have been living for 6 years here in Alberta, Canada. Sa tagal no'n, nasanay na 'ko sa lugar.


Every four months ay pumupunta kami sa Japan to visit Mommy. Minsan naman, sila ang nagpupunta rito.


Isang taon matapos kaming umalis sa Pilipinas, lumipad na rin papunta sila Tita Keiryn at Mommy pa-Japan. Binenta muna nila lahat ng bahay namin at ilang properties bago umalis. Sabi ko rin kasi, wala na 'kong balak umuwi pa sa Pilipinas kaya ibenta na ni Tita lahat ng bahay namin. Tanging lupa na lang sa Quezon City at Pasay ang natira. Tapos 'yung rest house namin sa Bulacan at La Union.


Regular naming dinadalaw si Mommy hanggang sa lumala ang sakit niya noong isang taon. She loved Daddy so much she can't regain herself. Lumala ang depression niya at diabetes. Pumayat siya nang sobra hanggang sa hindi na kinaya ng katawan niya. Before leaving us, she told me to be strong. She's so happy daw dahil naabutan niya ang pogi niyang apo. And... She also told me to come back to the Philippines. Sabihin ko raw kay Kio na may anak siya. Karapatan niya rin daw ang anak ko. Binilin pa niya na sabihin ko raw na sorry kay Kio dahil hinusgahan niya ang lalaki.


Kio... Has proved his innocence.


Tita Keiryn told me na set-up nga iyon. After 1 month, nalaman na rin ang totoo. Someone just set Kio up. And the real culprit is Atty. Soriano. Iyong lalaki rin na 'yon ang pumatay sa mag asawang Lim.


Ever since I heard that information, I was always wondering kung ano kaya ang gagawin sa akin noong walang hiyang lalaki na 'yon kung hindi ako nakaalis?


I don't know any other details aside from that. Basta iyon lang ang alam ko dahil hindi naman ako masyadong iniimporma ni Tita keiryn dati dahil bawal nga ang mastress sa akin.


Hanggang sa nanganak ako kay Kimuel. I was so focused in him so Dad's case already slipped away from my mind. Saka, ayoko na ring usisain pa. I just wanted to move on and just continue my life with my son.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now