34: Birthday

3K 127 20
                                    

"Okay, go back to work!" Sigaw noong Manager.


Agad namang nagsilakadan pabalik sa kani-kanilang lugar ang mga empleyado.


Kahit kalahating oras na mula noong interaksyon namin kay Kio, tuloy pa rin ang bulungan sa paligid.


"Ang pogi talaga ni President Montes, ano?" Bulungan nila Kia. Kasama ko rito sa lobby.


"Oo naman!" Pag-sang ayon ni Chloee.


"Swerte ng girlfriend noon, 'no? Ano kayang pakiramdam na may boyfriend kang Kio."


"May girlfriend ba siya?" Tanong ni Chloee.


"Meron daw. Ewan ko. E kapag gan'yan ang itsura ng lalaki, hindi nawawalan ng babae. Ano ka ba!" Sagot ni Kia.


"Sabagay," nag kibit balikat si Cholee.


"Ikaw, Ate Ran?" Tawag ni Chloee.


"H-ha? Bakit?" Baling ko.


"Sa tingin mo, may girlfriend ang Presidente?"


"E-ewan ko. Hindi naman ako mahilig mang-usisa ng buhay ng iba."


"Pero malay mo, may asawa na pala talaga si President? Baka nga may anak na! Kapag gan'yan kalaking tao, tagong-tago talaga ang private life para hindi mapahamak ang mga mahal sa buhay!" Si Kia.


"Hmm, baka." Sabi naman ni Chloee. "Ang pogi siguro ng anak noon kung sakali," saka sila nagtawanan.


"Iyon na lang ang akin. Taken na ang tatay e!" Biro pa ni Kia.


Ako nama'y napalunok na lang. You two were right. He has a child. A very handsome and cute child.


Noong nag-lunch break, may in-annouced ang Manager. May kainan daw na mangyayari sa function room mamayang gabi. Si President Montes daw ang may gusto at nagpahanda noon. Agad naman akong nagpaalam sa Manager na hindi ako makakadalo. Birthday ko at nangako ako kay Kimuel na mamaya kami magcecelebrate pagdating ko.


Noong nag alas kwatro, may pumalit na sa sakin kaya pwede na 'kong mag out.


"Manager Cruz, uuwi na ho ako." Paalam ko.


"What? Pero may pa buffet ang President, ah? Kailangan daw dumalo ng lahat, iyon ang bilin niya."


Napangiwi ako. "Pero, may ganap din po sa condo ko e. Birthday ko rin po kasi, my son is waiting for me." Sabi ko. Alam naman ni Manager Cruz na may anak ako dahil binanggit ko sa kan'ya iyon.


"Sige, sasabihin ko na lang kay President." Saka siya lumakad paalis.


Tumango na lang ako. Hindi naman siguro ako kailangan mamaya. Magkakainan lang naman.


"Oh? Uuwi ka na? May kainan daw mamaya, ah?" Si Yael nang makita akong palabas sa likod ng pinto. Waiter siya sa resto. Hindi ko pa siya masyadong ka-close. Siya nga pala ang nag serve sa amin noong kumain kami ni Manager Cruz sa resto.


"Ah, oo. May gagawin din kasi sa bahay." Sagot ko.


"Sayang naman. Ngayon lang nagpahanda ng ganito si Mr. President. Nakakapagtaka nga e. Noong huling punta niya, wala namang ganito. Alam mo ba, nagpagawa rin siya ng cake kay Chef. Hindi naman niya birthday sa pagkakaalam ko. Hmm, sino kayang may birthday?" Kumunot ang noo ni Yael.


"Hindi ko alam. B-baka gusto niya lang itreat 'yung mga empleyado niya." Sagot ko.


"Ah, baka nga. Pero, anim ang pinagawa niyang cake. Lahat nang iyon, may 28. Pinalagyan niya."


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now