23: Chaser

3.5K 150 8
                                    

:



For today's office outfit, I wore pencil skirt and dress shirt. Nasa mood pa naman akong nagtrabaho ngayon only to know that we're just half day, at sa hapon ay may buffet. Mamayang gabi naman, sa isang exclusive bar kami pupunta. Approved daw kasi kay Sir Kio at sa iba pang higher officials at business partners ang proposal nila. Kanina lang din daw sila na inform na pasado ang proposal. Sabi raw ni Sir Kio, we can consider daw to as day off and we should celebrate, kahit saan namin gusto. Si Sir Kio raw ang may sagot. Bibigyan daw kami ng pang party.


Nahiya naman daw sila sa offer kaya sabi nila, huwag nang whole day, half day na lang at at sa hapon mag celebratory buffet at mag bar sa gabi.


"Grabe, worth it ang halos isang buwan naming pinaghirapan!" Julia sighed in relief.


"Ngayon lang din ulit ako makakapag bar!" Sabi naman ni Jon.


"Ikaw, Jared? Sasama ka?" Tanong ni Rocel dito sa pinakatahimik at mukhang masungit sa amin.


"Hindi." Payak na sagot niya.


"Edi wag. Ikaw, Ran, sama ka ha?" Aya ni Leleain. Isa sa mga empleyado rito.


"Oo ba!" Pagpayag ko naman.


Ang huling bar ko ay 'yung kasama ko si Sheryne.


"Basta pagkatapos ng buffet, uwian na. Tapos magkita kita tayo sa bar ng alas diez!" Sabi ni Julia.


"Excited na 'ko! I'm gon' drink 'til I can't walk anymore!" Leleain said. Sa amin talagang mga nagtatrabaho dito, siya ang pinaka hyper. Medyo bitchy din ang attitude niya pero marunong naman makisama.


"Nako, Leleain ha, 'wag kang magkakalat doon!" Banta ni Rocel.


Umirap naman si Leleain. "Duh, ano pa't nasa bar tayo? Saka, kasama ba si Sir Kio?" Tanong niya.


"Kung aayain n'yo." Sabi ni Wesley at nakibit balikat.


"Isama natin!" Sabi ni Rocel. "Kanina pa mukhang good mood si Sir. Ayain n'yo!"


"Oo nga! Tapos lasingin natin!" Leleain suggested.


"Iyon? Malalasing? Sabi ni Jon. "E si Sir 'yung tipong parang sanay nang mag-inom e."


"Tignan natin. Mukha namang mahina sa inuman ang isang 'yon." Sabi ni Wesley sabay ngisi. Tinapunan niya 'ko ng tingin at kinindatan.


Napairap na lang ako sa hangin. Nitong mga nakaraan, naiinis ako rito kay Wesley. Madalas kasi akong pumupunta sa kaniya at may binibigay na papel. Siya kasi ang bagong marketing manager. Akala niya ata, para-paraan ko lang ang mga pagpunta ko para lang nakasilay sa kan'ya. He assumed that I like him. Laging nakakindat at nakadikit sa akin. Akala niya ata gwapo siya. Well, may itsura. Pero ayoko sa ugali niya.


"Oh, sinong mag aaya kay Sir?" Tanong ni Leleain.


"Aba, hindi ako. Paglapit pa nga lang sa kan'ya parang mahihimatay na 'ko." Iling ni Rocel.


"Lalong hindi ako." Si Julia naman.


"E sino pala kung gano'n?" Tanong ni Leleain.


Napabuntong hininga ako nang sabay sabay silang tumingin sa akin.


"Sino pa ba? E si Ran lang naman ang madalas nakakalapit kay sir. Oh, problem solve na. Basta mamayang alas diez, ha?" Pangunguna ni Jon.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now