17: Girl

3.8K 108 27
                                    

"Sir, uh, pwede n'yo na 'kong ibaba. Nasa loob na tayo ng ospital." I looked around. Feel embarrassed. "Nakakahiya."


"I'll put you down when we already have a nurse that will assist you." He said without looking at me. His eyes were focused looking for a nurse or staff in the hallway.


"Pero nakakahiya, buhat mo pa 'ko." Bulong bulong ko.


"Good afternoon, sir. How may I help you?" A man with blue uniform came to us.


"Nasugat siya sa pako na may kalawang,"


"Sige po, dito tayo." Gaya ng nurse samin. Sinundan namin siya at pinunta niya kami sa isang ward. Tinapik ko si Sir Kio at binaba na niya 'ko sa kama.


"Uh, ma'am, we have to clean your wound. I can't make it if you're still wearing your skirt. Can you, uh," he looked away. Mukhang nahihiya at naiilang pang sabihin.


"Oh, okay. Wait a minute." Saka ako tumayo at hinawi ang kurtina para doon sa kabila magtanggal ng palda. I only left with my black cycling shorts. Medyo binaba ko pa dahil sobrang iksi.


Tiniklop ko ang skirt ko at bumalik na sa kama. Nang tingnan ko si Sir Kio, gano'n pa rin ang mukha niya. Mukha namang hindi conservative ang isang 'to. I wonder if he gets angry when his girlfriend wear revealing clothes? Or, does he even have a girlfriend? He's such a busy person.


The nurse got the medicine and cleaning kits. Sobrang hapdi nang nilagyan niya ng gamot. Sinaksakan din ako ng anti-tetanus dahil malalim ang sugat ko at 'di rin nalinisan agad.


Sa sobrang focus ko, hindi ko na namalayan na wala na pala si sir Kio doon. Baka nagbayad ng bill.


Nilapatan na ng nurse ng bandage ang hita ko saka tumayo.


"You guys done?" Tanong ni sir Kio.


"Tapos na po, sir." The nurse smiled at him.


"Thank you." He nodded.


Pagtingin ko sa kanya ay may dala na siyang paper bag.


"I bought you shorts. T-shirt din binili na kita." Then he lent it to me.


"Uh, thank you, sir."


Tumayo na 'ko at pumunta sa CR.
He bought me Penshoppe's short also T-shirt. Sobrang comfy.


"Let's go?" Tanong niya paglabas ko.


Habang pabalik kami sa company ay dumaan kasi sa isang cafè. Umorder lang kami ng coffee.


Pagdating sa company, tumaas muna ako sa cubicle ko . I collected my things and say goodbye to Rocel. Alas siyete na rin. Pwede na 'kong umuwi. Saka, alam naman si Sir Kio na injured ako.


"Ms. Valiente," I stopped when Sir Kio called me. Palabas na sana ko sa floor namin.


"Yes po?"
.

"We will meet Balsarez Commission. 7 am tomorrow. Marquez Hotel Resort is our location."


"Okay po. May kailangan pa po ba kayo?"


"Nothing else." Then he turned his back against me.


Tamo nga 'yung isang 'yon. Kanina nakikipagbiruan pa sakin tapos ngayon back to magiging masungit na naman. Mas moody pa siya kaysa sa akin.


Minsan talaga hindi ko maintindihan ang isang 'to. Pero mas okay siguro kung masungit na lang siya. Kaysa naman sa palabiro tulad nang asta niya kanina.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now