Epilogue:

6.4K 195 17
                                    

Kio's POV


TW: Sexual, physical, verbal abuse and death.




"Anak, dito ka muna sa loob ng kwarto mo, ha? Nakainom ang papa mo, baka saktan ka."

I was 10 years old when my father started to abuse my Mom physically. Nakainom o hindi, nananakit.

"Ma, dito ka na lang din. Sasaktan ka ni Papa." Saka ko hinila ang damit niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalis iyon sa pagkakahawak. "A-anak, kailangan kong magluto ng pagkain. Lalo lang magagalit ang Papa mo at baka pati ikaw, mapagbuntunan."

"Ma!" I started to cry.


Ganoon lagi ang sitwasyon namin hanggang sa mag grade 7 ako. Mula rin noon, hindi na lumalagpas ang araw na hindi ako pinapagalitan o sinasaktan ng Papa ko.

"Oh? Talagang matigas ang ulo mo?" Angil agad ni Papa nang makita akong kakauwi lang galing school. "Gago ka talaga no? 'Di ba sabi ko sa 'yo tumigil ka na sa pag aaral? Puro itlog at tuyo ang ulam ko dahil nahahati pa sa pag-aaral mo. Bobo ka naman!"

I was 13 years old that time. I was so excited to show them my card. I have 98 as my total average. Puring-puri ako sa school tapos pagdating sa bahay, sasabihan lang ako ng bobo. Sa Letran ako nag-aaral dahil nakakuha ng scholarship at suportado ng Mayor.

"Tangina, Ayla! Ano 'to? Itlog na naman? Tapos sunog pa?!" Nang sumigaw si Papa, agad akong sumilip sa pintuan. Nanlaki ang mata ko nang makitang kinukwelyuhan niya si Mama. Nakatingkayd si Mama at halos wala na ang paa sa sahig dahil nadadala siya ni Papa sa sobrang payat.

Agad akong lumabas at sinuntok si Papa. 14 years old ako noon. Sobrang payat din.

"Aba aba! Anong akala mo? Malakas ka na?" Saka niya binitawan si mama at napaupo siya sa sahig. Bumaling naman si Papa sa akin. Hinila niya ang ulo ko saka ako sinuntok sa sikmura. Agad akong dumura ng dugo.

"Joaquin, tama na! Anak mo 'yan!" Si mama na pilit tumayo.

"Hay, mga pabigat sa buhay!" Sigaw ni Papa bago lumabas.

Agad akong dinaluhan ni Mama habang umiiyak. "Anak, I'm sorry..." Hikbi niya.

Nag angat ako ng tingin sa kan'ya. "Hiwalayan mo na, Ma." Nanghihina kong sabi sabay pahid ng dugo sa labi ko.

As expected, like what she always does, she shook her head.


Kinabukasan, bumyahe kami sa best friend ni Mama. Sa mag-asawang Lim. Pangatlong beses ko na itong punta at sa totoo lang, gusto ko rito dahil nakakahinga ako. Malaki ang bahay nila at doon ako lagi sa garden tumatambay.

"Ayla, ano pa bang hinihintay mo? Layasan mo na! Dito kayo tumira ng anak mo! Tamo, pati 'yung bata sinasaktan niya!" Rinig kong sabi ni Mrs. Lim.

Hindi ko na narinig pa ang pinag usapan nila dahil lumakad na 'ko at doon sa may dulong garden nagpunta. Ayoko nang makarinig pa ng kahit anong tungkol sa Papa ko. Pagod na 'ko. Nakakasawa.

"At saang lupalop ng tanginang mundo kayo nanggaling?" Sigaw agad ni Papa na nakaabang sa maliit naming gate.

Ang mga taong malapit ay nasa amin na naman ang tingin at nagbubulungan.

"K-kila Henry lang." Nauutal na sagot ni Mama.

"Ah, doon sa kabit mo?" Kinagat ni Papa ang labi niya dahil sa gigil.

"Joaquin, sabi nang hindi ko kabit si Henry. Kaibigan ko sila ng asawa niya!"

"Aba't sumasagot ka pa? Tara sa loob. Tangina mo napakalandi mo!" Saka marahas na hinigit ni Papa ang braso ni Mama.

My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now