9: Necklace

3.1K 128 13
                                    

:



Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa mga mata ko. Just how the hell did I end up like this? Lagi na lang akong tumatakas at natatakot. Looking back when I was scared to be alone, puro sunod lang ako kila Angela kaya kahit labag sa loob ko ang ginagawa nila, sumasama pa rin ako sa kanila. Nothing has changed. Ako pa rin si Ran na masyadong takot. Na hinahayaan lang kontrolin nang iba. I don't have the courage and braveness. I'm such a coward.


Tuloy-tuloy lang ang lakad ko papasok sa hotel. Uuwi na 'ko. Hindi ko na kayang kausapin pa si Kio. Hindi ko siya kayang harapin.


Pagpasok ko sa loob ng hotel room ay agad kong kinuha ang mga gamit ko. Pumunta muna rin ako sa CR para makapaghilamos.


Paglabas ko sa CR ay isinukbit ko na ang mga bag ko sa akin. Handa na sana akong umalis nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Kio iyon pero si Angela pala 'yon at si Brix.


'Yung necklace.


I fist my hand and sniffed. "Yung necklace, Angela. Akin na. Nagawa ko na hindi ba? Happy now?"


Ngumisi si Angela at may
dinukot sa bulsa si Brix.


"You want this back? Ni hindi mo nga nagawa nang maayos ang pinapagawa namin. Kung hindi kami dumating, walang mangyayari." She smirked and went to balcony. Nanlaki ang mata ko dahil alam ko ang pinaplano niya pero bago pa man ako makapagreact, itinapon na niya ang kwintas ko sa pinong buhangin.


"Angela!" Sigaw ko sabay lapit sa balcony at tinanaw ang kwintas mula sa third floor. Wala akong natatanaw kun'di ang mga buhangin ng beach. Wala din namang nag-i-stand out dahil maging pati ang mga buhangin ay kumikislap dahil sa araw.


I faced Angela. My heart is burning with fire. What she did was really... infuriating. Anger filled my body. Agad ko siyang sinampal nang malakas saka tinulak.


"Hindi kayo marunong tumupad sa usapan!" Sigaw ko. Hindi na nakapagpigil.


Si Angela naman ay napaupo habang hawak ang pisngi. Wala na 'kong paki kung mamaga pa iyan bukas. You deserve all the pain. Wala pa iyan sa lahat nang ginawa niyo sa akin.


Kinuha ko na ang bag ko at lumakad palabas.


"You bitch! Brix, harangan mo ang babae na 'yan," Utos ni Angela.


Ginawa nga ni Brix ang sinabi ni Angela pero bago pa man niya 'ko mahawakan ay sinipa ko na ang alaga niya.


Napahawak siya roon at napadaing dahil sa sakit. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para lumabas na nang tuluyan sa room.


Diretso ako sa baba at agad na nagpunta sa buhanginan katapat ng room ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid para hanapin ang kwintas na itinapon ni Angela.


Hinuhukay ko ang bawat buhangin, nagbabakasakaling makita iyon doon. Nahihirapan ako dahil matalim na ang sikat ng araw kaya maging ang buhangin, kumikinang na rin nang matindi.


Nalibot ko na ang paligid na pinagtapunan ng kwintas ni Angela pero wala pa rin akong nakikita.


Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko.


"Clark..." Pag-iyak ko. "I'm sorry..." I bended on my knees.


Napaupo ako at idinukdok ang ulo sa tuhod.


"Yung kwintas mo... nawala ko..." Patuloy ako sa pag-iyak.


I don't know what to do anymore. But crying isn't giving any help to find the necklace. So instead of crying under the sun on this hot sand, I fixed myself and continue looking for that necklace.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now