36: Mad

3.7K 158 41
                                    

Nagising ako sa isang komportableng kama. Saka lang ulit nag sink in sa akin ang lahat ng mga nangyari.


Kung akala niyong may nangyari sa amin kagabi, wala. Sinusubukan lang ako ni Kio ng mga salita niya. Siya lang naman ang naligo mag-isa. Nauna akong naligo at doon natulog sa kwarto niya. Siya naman, doon siguro tumabi kay Kimuel dahil hindi magulo ang isang gilid ng kama.


Bakit, Ran? Ano ba ang ineexpect mo? Galit nga sa 'yo, e. Bakit tatabi?


I just sighed and got up. Dumaretso ako sa banyo at nagtoothbrush. Medyo masakit din ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi.


Pagkatapos kong magtoothbrush, sinilip ko yung mag-ama at nakitang tulog pa rin sila. Lumapit ako at hinalikan ang noo ni Kimuel. Huminto ako saglit at nag-isip kung pati si Kio rin ba ay hahalikan ko pero sa huli, yumuko na lang din ako at hinalikan naman siya sa pisngi dahil nakatagilid siya.


Hindi ko pa man nailalayo ang mukha ko ay biglang dumilat si Kio. He's awake! Why did I not noticed it? Omg!


"Hmm," he made a sound. Ang mata niya ay diretsong tumama sa akin. His eyes were still sleepy so kakagising niya lang din siguro.


Agad akong lumayo dahil sa ginawang kahihiyan.


Kumaripas ako ng takbo palabas at bumalik ulit sa kabilang kwarto. Maliligo na sana ako dahil may pasok nang matigilan dahil nag ring ang phone ko. Jahi is calling. Tinext ko nga pala siya kagabi na nalaman na ni Kio ang tungkol kay Kimuel. Gusto ko man siyang replyan pa dahil alam kong marami siyang reply, hindi ko na rin nagawa dahil pagod na ang mga mata ko. Ngayon ko lang nakita yung mga replies niya kagabi.


Jahi:

That fast??


Jahi:

How the fuck was that?


Jahi:

Ano, don't tell nagkita na kayo agad e wala pa nga kayong 1 week jan? Saka nasa uae yan ha? Bakit nasa pinas na?


Jahi:

Anong sabi ni Kio no'ng nakita yung bata?


Jahi:

Umiyak ba girl?


Jahi:

Oh ayan na kamo yung anak mo isaksak mo sa itlog mo!! Jk(◕‿-)


Iyan at marami pang iba! This woman!


[What happened!] Sigaw agad ni Jahi pagkasagot ko sa tawag niya.


[Girl, ineexpect ko na mga 3 months or what bago malaman ni Kio pero anong nangyare? Wala pang 1 week buking ka na agad!]


I sighed and sat in the bed.


"I guess this is destiny. E 'yung na-applyan ko pa lang hotel, siya ang may-ari."


[Tanga ka talaga, Ran! Hindi ka ba nag background check sa hotel na 'yan? Saka 'diba, nasa UAE 'yan? Ang fishy naman ata na nasa Pinas kayo e bigla na lang din siyang nasa Pinas?]


"Ewan ko rin. Ewan." Iyon lang ang naisagot ko.


[So anong nangyari? How did Kio found out?]


I shrugged. "Nag... Night swimming kami. Sa gabi na nga kako para mababa ang chansa na magkita 'yung mag-ama dahil andito rin si Kio pero, talagang nasaktuhan na naliligo rin. Hindi ko na naiwas pa si Kimuel dahil nakita na ni Kio. Then, he... Went to us. That time, alam ko nang na realize ni Kio na anak niya 'yung bata. Kimuel called me Mom too kaya mas natunugan ni Kio. Then, of course, as expected, nagalit siya sa akin. Galit na galit."


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now