28: Shadow

3.9K 136 17
                                    

"Bakit sasamahan mo pa 'ko?" Angil ko kay Kio nang sinabing sasama raw siya sa 'kin sa mall. E pupunta lang naman ako sa bookstore to buy pens and office stuffs! He's kinda busy so he have to stay inside his office!


"Office stuffs lang, Kio." Mariin kong sabi. Mula nang nagsimula siyang manligaw noong isang linggo ay binawalan na niya kong tawagin siya in formal way. Pwera nga lang kapag may ibang tao syempre.


"Nah. I wanna come with you." He shook his head.


God, he's so clingy!


"Bahala ka." Saka ko siya tinalikuran at sumakay na sa elevator.


Sumunod naman siya na parang bata. Tumabi siya sa akin saka inangkin ang bewang ko. Sa exclusive elevator kami sumakay kaya hindi ako nag aalala kung may sasakay na ibang empleyado dahil para sa mga may position lang naman ito.


Noong nasa ground floor na kami, siya ang pinauna kong lumabas. I'm still his secretary so I need to be professional. Hindi naman porke nililigawan niya ako ay
magpapaka bossy na rin ako.


"I'll drive." Banggit niya pagkalabas namin sa glass door.


"Yeah, yeah. Whatever." Pairap kong sabi saka sumakay na.


Nakapolo siyang asul ngayon, slacks at black leather shoes. His hair was in the usual style, fixed backward.


Nang makarating na kami sa mall, alam ko na agad kung ano ang mangyayari. Everyone's eye will dart to him!


Normal lang siyang naglalakad pero kahit gano'n, ang lakas ng dating niya! He seemed so out of place! Masyado siyang head-turner para sa book store na ito. Parang gusto ko na lang tuloy siyang itago sa dala kong bag.


At alam na alam ko ring pinag uusapan siya ng mga cashier at mga estudyante rito!


"Uh, kayo po si Kio Montes, right? C-can we take a picture together?"


Bahagyang napaawang ang labi ni Kio. Alanganin siyang tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Can I?" He Innocently asked.


"Of course!" I tried to sound enthusiastic. "Picture lang naman diba?" Pinagdiin ko ang labi ko.


Tumalikod na 'ko at nagpunta naman doon sa mga post note. Naririnig ko ang tilian ng mga babaeng nagpapicture mula rito. I scoffed. Nakakatulig sila!


I pushed my hair backward, clicked my tongue and sighed impatiently. Mukhang tuwang-tuwa rin ang lalaki 'yon, ah?


Pagkatapos kong mamili ay pumunta ako roon sa mga books. Maniningin lang sana ako pero may nakita akong romance book mula sa sikat na author and fantasy book kaya nakabili rin.


May narinig akong tikhim mula sa likod kaya alam kong naroon na si Kio. Napairap ako bago siya harapin. I smiled sweetly as I crossed my arms.


"Wow. The CEO, slash, Attorney, slash, famous artist is here! Kailan ka pa naging artista at may nagpapapicture sa 'yo?"


He pretended that he is confused. Hindi niya naman naitago ang multong ngiti sa labi niya. "Hmm, jealous now, are we?"


Bumuka ang bibig ko para sana depensahan ang sarili ngunit sinara rin. Ano bang... Kinakainis ko? Dahil lang may lumapit at nagpapicture sa kanya? Gano'n ba 'ko kababaw para mainis? Paano kung maging official na talaga kami? Edi may kakausap lang sa kan'ya, magagalit na 'ko agad?


Huminga ako nang malalim at lumakad na lang papunta sa counter. I just realized how childish I am.  Nagsalubong naman ang kilay ni Kio dahil nag aabang din siguro na magsalita ako pero wala.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now