14: Entertain

3.6K 135 16
                                    

:



5:30. I'm done with the first 11 clients. Ngayon, dalawa na lang ang natitira. Thank God, tapos na rin.


Nakaupo lang ako dito sa Italian Restaurant habang hinihintay ang representative ng Unilab since hindi naman makakapunta 'yung nakausap kong staff galing doon. Hindi pa rin ako umoorder at kumakain. Hindi rin naman ako nag lunch at tumatanggi rin sa t'wing inaalok ng mga kliente dahil talagang gusto ko nang matapos ito.


"Miss?" Pag agaw ng atensiyon sa akin. Nag angat ako ng tingin at nagulat nang makitang ito 'yung humila sa akin kanina!


"Hi!" Bati ko agad. "Ikaw 'yung representative from Unilab?" May pagkamangha kong tanong.


The guy smiled. "Yep! Kita mo nga naman, destiny ba 'to?" He joked. Tumawa rin naman ako.


"Upo ka na." Alok ko.


"Do you want something to eat?" Tanong niya pagkaupo.


Nagdalawang isip ako pero sa huli ay tumango rin. Gusto ko na rin kasing kumain. Tutal, mamayang 6:30 pa naman ang sunod kong client.


We ordered some snacks. Siya ay two slices of pizza while I ordered lasagna.


"So Mr...?" Pagsisimula ko.


"Cavueva." Tugon niya.


I nodded and smiled. "Mr. Cavueva, the furnitures your company asked for are settled. Ngayon, last peek na lang galing sa inyo ang titignan and if you have further questions, you can ask it right now. The transaction is ready to go, signature n'yo na lang ang hinihintay." Pagpapaliwanag ko.


"I already sent a copy of this on your boss' email para makita niya rin since hindi naman siya ang pupunta rito," sabi ko pa.


Kumunot ang noo niya. "E, bakit ka pa nakipagmeet? If you already sent this to my boss, what was the personal meeting for?"


I sighed. Naisend ko naman na talaga sa lahat ang transactions and orders. Itong boss ko lang talaga itong ewan ko ba, may sayad ata sa ulo na inutusan pa 'kong idiscuss sa kanila to through personal meeting.


"Long story," sagot ko na lang.


Natawa naman siya sa biglang pag iba ng mood ko.


"Kumain na nga lang tayo," He suggested.


Ayan. Mabuti pa nga. Tumango ako at nilantakan na ang pagkain.


I had fun after that snack with  Mr. Cavueva. He's jolly so I didn't get bored with him.


"Thank you sa time, Mr. Cavueva." Saka ako tumayo.


"No worries. This is my job." Saka siya tumayo rin at nakipagkamay sa akin.


Nagpaalam na siya sa akin at lumabas na ng resto. Ako nama'y nagpunta muna sa CR at nag retouch para naman presintable akong tignan. Last client ko na 'to at sa wakas, magrereport na lang ako tapos uuwi na.


What a day.


"Last na..." Saka ako saka bahagyang yumuko doon sa lamesa. Ngayon lang ako nagkatrabaho nang ganito. 'Yung diretso at nandito lang sa clients at nagdidisscuss. Nakakapagod.


"You look tired, Ran."


Napaangat ako ng tingin sa nagsalita.


"Dave?" Si Mr. Calares!


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now