37: Pain

3.9K 120 10
                                    

"Ano ba'ng... Pag uusapan natin?" Tanong ko noong nasa kwarto na kami. Nakatayo lang kami malapit sa kama niya.


He sighed. "I want us to talk about us. About Kimuel and how was your life for the past 6 years. I... Want to be mad at you, Ran. You kept Kimuel from me, but at the same time, I'm thankful." He bowed. "I thought you won't come back anymore." Humina ang boses niya.


I sighed. "This was Mom's idea, actually. Wala na talaga akong balak umuwi. Gustuhin ko mang sabihin sa 'yo ang tungkol kay Kimuel, hindi ko magawa dahil baka may sarili ka na ring buhay. Who knows that maybe you have a girlfriend." Nagkibit ako ng balikat. "After nang nangyari, pagkatapos kitang iwan noon, babalik na lang ako basta-basta at ipapakilala ko ang anak ko na parang walang nangyari?"


"Anak natin, Ran." He corrected.


"This was really my Mom's idea." Pag ulit ko. "Umuwi raw ako at sabihing may anak tayo. And... She also said na, wala siyang galit sa 'yo. Y-you're still the man she wanted for me."


Tumango siya. "Where's Tita Camille, by the way?"


"Died years ago." I answered.


Nagulat siya. "I... I didn't know, I'm sorry." Sabi niya.


I chuckled without humor. "She was so broken about Daddy's death. She couldn't move on to the point she followed Daddy up there."


Katahimikan muli ang bumalot sa amin.


"I-Im sorry, Ran. I couldn't protect your Dad. We were almost there. We almost solved the case. Isang ebidensiya na lang ang kulang to push Atty. Soriano behind the bars pero, naunahan niya kami. He... Killed your Dad and framed me up. Gusto niyang... Kami mismo ang magsiraan. Gusto ni Atty. Soriano na ako ang lumabas na suspect pati sa pagkamatay nila Tito Henry."


Now that he brought this up, magtatanong na rin ako. I need answer to my questions.


"Can you explain how and why did that happened? Naguguluhan ako." Umiling-iling ako.


He sighed and hold my hand. Umupo kami sa kama niya at doon siya nagsimulang magkwento.


"This started really with my Dad." huminga siya nang malalim. "My Mom was killed by my abusive Dad. Si... Tito Henry ang nagpahuli sa Papa ko since mag best friends sila ni Mama. Then, Atty Soriano, the cousin of Tito Henry, was my Dad's best friend. May galit at inggit si Atty Soriano kay Tito Henry at taon ang lumipas, nang nalaman niyang si Tito Henry ang nagpahuli kay Papa, pinapatay ni Atty. Soriano si Tito Henry. Hindi lang para ipaghiganti si Papa pero para na rin nawalan siya ng kalaban. Hindi ko alam dati na magkamag-anak pala sila Tito Henry at Atty. Soriano kaya natagalan sa imbestigasyon. Atty Soriano hid it."


Umiling ako. Naguguluhan pa rin. "So, paano nadamay si Daddy dito? Saka, bakit ikaw ang gusto niyang palabasin na suspect? Ang gulo... "


He sighed. "You know your Dad was a legendary attorney, right? After years of investigation, nalaman na namin ng Daddy mo na si Atty. Soriano nga talaga ang nagpapatay sa mag-asawa. We just need a little more of evidence to push the case in the court. Kaso, natunugan ni Atty. Soriano na alam na namin na siya ang suspect kaya bago pa namin siya maisiwalat, pinapatay na niya ang Daddy mo. Hindi niya 'ko pinapatay dahil gusto niyang ako ang madiin." He explained.


"Dahil walang anak ang mag- asawang Lim at ampon nila ako, gustong palabasin ni Atty.
Soriano na ako ang pumatay sa mag-asawa para mapunta sa akin ang kompanya. Na kaya rin matagal bago ma-solve ang kaso, dahil mismong ako, ang partner ng Daddy mo sa Lim murder case ang culprit. At dahil nalaman na ng Daddy mo na ako ang suspect, pinatay ko siya. Kasama rin sa pagdiin sa akin ang pagiging boyfriend mo. Nakipaglapit daw ako sa 'yo, para lalong hindi ako paghinalaan ng Daddy mo. All that damn accusations was thrown to me. And that fucking Atty. Soriano played the game well. Mabuti na lang, dumating si inspector Vera. He helped me." He added more.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now