13: Massage

3.6K 126 20
                                    

:



Halos mapairap ako. Siya nga siguro talaga itong nerd dati. Gan'tong gan'to siya kasungit. I just need to confirm. I really need to know if my boss and the Kio back then in high school are the same.


Sa tuwi kasing iisipin ko, parang napakaimposible dahil nga sa physical appearance niya ngayon. Para siyang model sa isang magazine. Well-build body, proud chest, sharp jaw, pointed nose, and... brown eyes. Yes. Brown eyes. Pero may parte pa rin sa akin na nagsasabi na hindi siya iyon. Na ibang tao ito. Na baka parehas lang sila ng pangalan.


I should really do some research. Background research of my boss.


Sa halos na tatlong oras na meeting ay nakatayo ako. Kating-kati na akong umupo dahil ngawit na ngawit na ang mga binti ko. Pasulyap-sulyap naman sa'kin itong si Mr. Calares. May pag aalala sa mga mata niya at ngumingiti na lang ako para sabihing okay lang ako kahit na gustong-gusto ko nang sakmalin at sabunutan ang boss kong ni hindi man lang tumitingin sa akin at mistulang walang pakielam.


I sighed a relief when the meeting called adjourned. Agad na nagkamayan ang mga businessmen at isa-isa na ring naglabasan sa conference room. Nagpaalam ako kay Sir Kio na mauuna nang lumabas at sinabing mag-c-cr ako pero ang totoo'y naghanap lang ako ng couch at agad na inupo ang sarili.


"Grabe. Mapuputol na ata ang mga binti ko." Bulong-bulong ko.


Binaba ko muna ang tablet sa couch at dumukwang para hinutin ang aking binti.


Talagang pinatayo niya 'ko for three hours? As if he couldn't ask for another seat. He really wanted me to stand next to him!


"Does your leg hurt?" Nag angat ako ng tingin sa nagsalita at nakitang si Mr. Calares pala iyon.


"Mr. Calares," Bati ko.


He shook his head. "Just call me Dave. Don't be so formal. I will also call you Ran. Is that okay?" He smiled warmly.


"Sure." Tugon ko.


He looked at my legs and shrugged. "Let me help you with that." Saka siya lumuhod at hinawakan ang binti ko. Nagulat ako kaya bigla kong inilayo sa kan'ya 'yon.


"I-I can handle. Ako na," Saka ako alanganing ngumiti.


He chuckled. "Don't worry, I'm a nurse, I know where to massage so the muscle pain will go away." He swiftly said. Making me a bit surprised also amazed. He is a nurse, huh?


He said he is a nurse so I let him do the favor. He insisted, anyway.


Nasa couch kami at nakaluhod siya sa harap ko. He touched and massage my leg like a pro. Mahahaba at malambot din ang mga kamay niya kaya talagang masarap sa pakiramdam. Medyo awkward nga lang dahil nasa hallway kami at may mga dumadaan ding iilang tao. Natitingin sila sa amin. Agaw pansin pa naman itong si Dave dahil naka corporate suit siya at matangkad. Gwapo rin siya kahit side profile lang ang matanaw mo.


"You okay now?" Tanong niya.


I smiled awkwardly. "Ah, oo. Salamat, Dave, ha?"


"No problem. Bakit hindi ka kasi pinaupo ng boss mo e. Is he always like that?" He asked.


Napakagat ako saglit sa labi ko. "Well, talagang masungit siya." Iyon lang ang nasagot ko.


He sighed. "He's not a good boss, then. Hinahayaan niyang nasa ganoong posisyon ka. He could've asked for another swivel chair and make you sit there but he didn't. He's got a pretty secretary so he must take care of you." Said he while staring at me.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now