:
Kagaya nga nang sinabi ni Jahi kahapon, nireport nga niya sa school ang nangyari. Hindi naman 'to tinolerate ng school at agad na pinatawag si Brix. Syempre, naroon din ako, si Kio at si Jahi. Napatawan ng dalawang linggong suspension si Brix dahil sa ginawa niya. Nakiusap naman ako na kung pwede ay huwag na sanang kumalat ang nangyari.
Pagbalik namin sa room, wala pang isang oras, nalaman agad nila Angela at Zoe na nasuspend si Brix kaya agad kaming dinaluhan nang dalawang iyon.
"I wonder why Brix got suspended." Napahawak si Angela sa baba niya.
Magkakatabi ang upuan namin at nagkukwentuhan dahil wala pa ang teacher.
"Kaya nga, e. First time lang nangyari 'to." Zoe blurted.
Angela turned to us. "I saw you two leave the principal's office a while ago..." Pinagtaasan niya kami ng kilay.
"M-may nag utos lang sa amin na teacher." Jahi answered.
"Kasunod n'yo rin palabas 'yung nerd at si Brix?" Zoe furrowed.
"Ewan ko kung bakit sila naroon." I answered casually.
Naningkit naman ang mata ni Ange. "Something's fishy."
Tinignan ko naman siya at ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. "Huwag kang magtaka kung suspended ang lalaki na 'yon. Alam mong kung anu-anong kalokohan ang ginagawa no'n e. Malamang nahuli." Sabi ko.
Nagpatuloy na ang klase pagkatapos noon. Gusto ko, kami kami na lang ni Jahi ang nakakaalam ng totoong nangyari. Mababaliw ata ako kapag kumalat pa 'yon. I don't want to have an issue.
•••
Pag uwi ko sa bahay ay dinaluhan agad ako ni Mommy.
"Honey, I told you, huwag ka munang pumasok sa school."
I sighed. "Mom, I'm perfectly fine. Mahirap maghabol ng mga lessons so it's still better to attend school." I shrugged and went to my room.
Nagpalit ako ng damit saka humiga sa kama.
I'm just staring at the ceiling while thinking about that guy. Kio.
I wonder why Kio was there? I mean, madilim doon at iskenita. Saka si Brix na rin ang may sabing walang tao roon. Or that's what he knew.
But even so! Kahit ako, i-a-assume rin na walang tao roon at kung may nagpupunta man, madalang.
Sa totoo lang, gusto kong isipin na nagpunta talaga si Kio roon para iligtas ako. But that would be ridiculous, right? Nailing na lang tuloy ako at tumawa.
Hindi ko rin siya nakausap kanina dahil hindi ako maka-tiempo. Tuloy-tuloy din kasi ang klase namin dahil malapit nang matapos ang school year.
•••
Maaga akong pumasok kinabukasan dahil plano ko na talagang magpasalamat kay Kio. Ang daming ko nang utang sa kan'ya.
Dumaretso ako sa math garden dahil doon ko siya madalas nakikita tuwing umaga pero wala siya. Pumunta rin ako sa room pero gaya sa garden, wala rin. Si Erika lang ang nakita ko doon.
"Ahm, Erika?" I called her attention.
Tumingin lang siya sa akin.
"Nakita mo ba si Kio?" Tanong ko.
YOU ARE READING
My Boss is the Nerd I Rejected
Storie d'amoreWarning⚠: UNEDITED. EXPECT SO MANY TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Ran Valiente got herself into most badass group in her school. She's too scared to be alone so even though Angela a...