6: Bus

3.3K 104 10
                                    

:



Paano ko naman gagawin 'yon?


'Yan ang kanina pang tanong sa isip ko. Limang oras na ata akong nakatulala rito sa kwarto ko. Hating gabi na rin. Baka malate pa 'ko bukas nito kung hindi pa 'ko matutulog.


Bakit naman kasi gano'n ang ideya nila? At anong klasing revenge iyon? Reject? Sa tingin ko ay hindi naman gano'n ka 'big deal' ang heartbreak kay Kio dahil siya 'yung tipo ng tao na parang hindi naman nagmamahal romantically.


Para na 'kong mababaliw sa kakaisip pa lang kung pa'no lalapit sa kan'ya. Noong nasa library nga ako ay nahirapan akong kausapin siya. Magpapasalamat lang ako noon ha. Pa'no pa kaya kung lalapit ako sa kan'ya para mapagaan ang loob niya sa akin.


Mababaliw na ata talaga ako.


Pero mas mababaliw ako kung hindi ko makukuha ang necklace na 'yon.


•••


Kinabukasan, gaya nang inaasahan, nalate nga ako.


Kitang kita ko ang mga tingin sa akin nila Angela. Parang sinasabi nila na 'alam mo na ang gagawin mo.'


Napabuntong hininga na lang ako at naupo na sa upuan ko.


Panay ang sulyap ko sa gawi ni Kio. Pa'no kaya ako mapapalapit sa kan'ya? Paano ako lalapit kung siya mismo ang dumidistansiya. Parang inis na inis siya sa presensiya ko. Lalapit pa lang ako, nakakunot na ang noo niya. Katulad noong sa library, parang alam niyang mang iinis lang ako.


Napanguso na lang tuloy ako.


Nakatulala ako noong recess hanggang sa may pumasok na ideya sa isip ko. Kung nakukulitan lang din naman siya sa akin, edi papanindigan ko na.


Naisip kong sundan siya kahit saan siya magpunta. Noong lunch ay sinundan ko siya sa Goldilocks pero hindi niya naman ata ako napansin.


Sa uwian ko na lang siguro siya ulit kukulitin.


•••


Sinunggab ko agad ang bag ko noong nag uwian. Umalis na siya sa room, nagmamadali ata siya.


Halos tumakbo ako para lang masundan siya at hindi mawala sa paningin ko. Dahil uwian, napakadaming estudyante sa paligid.


Nakita kong pumunta siya sa waiting shed, at nang may bus na huminto, sumakay siya roon. Ako nama'y nagkumahog na ring sumakay pero paghakbang ko'y punong-puno 'yung bus!


Nakita ako no'ng kondoktor na nagdadalawang-isip kung sasakay ba o hindi.


"Ano, iha? Sasakay ka pa ba?" Tanong niya.


Iginala ko ang mga mata ko at nakita si Kio sa bandang gitna ng bus, nakatayo.


"Opo! Nagmamadali rin po kasi ako, okay na po 'to." Saka ako pumwesto malapit kay Kio.


Nakita kong lumipad ang tingin niya sa direksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin.


Nakatayo lang din ako at nakahawak sa hawakan sa bus. Wala rin kasing pwedeng magpaupo sa akin dahil karamihan nang sakay ay matatanda na rin. Nasa sampu siguro kaming nakatayo dito. Karamihan, mga lalaki. May isang grupo ng mga kalalakihan dito. Naka uniform din sila na hindi pamilyar sa akin. Ewan ko kung anong school sila. Pero baka nasa 1 to 2 years ang tanda nila sa akin.


Umandar na ang bus kaya mas lalo kong diniin ang hawak ko sa hawakan para hindi ako matumba. First time kong sumakay dito.


Nang biglang nagpreno ang bus, nadiin sa akin 'yung lalaking nasa likod ko. Hindi ko iyon pinansin dahil hindi naman sadya. Pero nung pangalawa at pangatlong beses na, nahahalata ko nang dinidiin niya talaga ang sarili niya sa akin.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now