18: Known

3.4K 141 22
                                    

:



Nag ayos lang ako ng schedule ni Sir Kio the next day. Para pagbalik sa office, wala na 'kong masyadong gagawin. Nanood lang din ako sa Netflix pagkatapos. Nagpadeliver lang din ako ng pagkain dahil ayokong lumabas. Though I'm good at socializing, gusto ko lang din na mag stay na lang dito sa loob ng kwarto dahil tinatamad ako. Mamaya na lang ako lalabas kapag magsisimula na ang party.


Tinext ko pa si Sir Kio kung may iuutos ba siya. Tahimik kasi at hindi rin ako tinatawag so I wonder what he is doing.


He replied. 'Nothing. I'm reading some cases here.' At my text.


So that's why he's quite and busy. Malamang nakaupo lang iyon sa la mesa habang nakakunot noong nagbabasa ng case. Laging ganoon ang nadadatnan ko kapag nasa opisina kami. Whenever he's reading proposals, cases, or whatsoever, his forehead were always wrinkled. Para bang galit siya roon sa binabasa niya.


I called Jahi dahil gusto ko nang kakwentuhan pero hindi sumasagot. Busy pa siguro ang gaga.


Wala tuloy akong magawa. Naisipan ko pa ngang mag swimming pero hindi na rin tumuloy dahil baka mahapo pa 'ko.


•••


Natulog na lang ako nang wala ng magawa. Nagising ako ng 6:27 pm kaya medyo nagmadali pa dahil 8 pm ang start ng party.


I took a bath and get done at exactly 7:20pm. Buti nadala ko rin 'yung make up kit ko. Nag ayos lang ako at naglagay ng konti at simpleng make up.


Inalis ko na ang robe ko at sinuot ang damit. I almost forgot that it has zipper at the back. Naisara ko naman pero hanggang kalahati lang. Hindi ko na abot dahil masyado nang mataas. Inayos ko na lang muna ang buhok ko at nagsuot ng heels.


It's now 8:00 pm.


Halos malaglag ang puso ko nang may nag doorbell. Si Sir Kio kaya 'yon? Akala ko nasa baba na siya. I wasn't expecting him to wait for me.


I looked at myself in the mirror before opening the door.


Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Sir Kio. Looking fresh.


"Sa baba na tayo." Aya niya sabay suri sa akin. I smiled at pinag isipan kung sa kan'ya ko ba ipapasara itong zipper ko. Well, wala naman akong ibang kilala dito. Do I have a choice?


I cleared my throat. "Sir, can you... zip my dress?" I awkwardly asked.


He looked at me for a second and nodded after. Parang nag isip pa muna. "Sure. Turn around." Then he clicked his tongue inside his mouth.


I cleared my throat again and did what he said.


I stood straight and bit my lip while he's zipping my dress.


"Done. Let's go." Sabi niya tapos lumakad nang mauna sa elevator.


Bakit ba lagi na lang siyang magmamadali?


Habang nasa elevator kami ay nakatingin ako sa repleksiyon niya. He's wearing black tux with dark red necktie. His hair were fixed backward like the usual.


Nang lumabas kami sa elevator at naglalakad na papunta sa function room, bigla niyang hinawakan ang bewang ko. I was shocked at his sudden move. He then leaned on me and whispered.


"Kumain ka ba?"


"H-ha?" I looked at him nervously, which is a wrong move. Ang lapit pala ng mukha niya sa 'kin. "Y-yes. Lunch." Then I looked away again.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now