7: Billiards

3K 108 2
                                    


:



Days went on smoothly. Ganoon lang ang ginagawa ko kada may pasok, ang bwisitin si Kio.


Pakiramdam ko ay pumapasok na lang ako para inisin siya. Buntot dito, buntot doon.


Sa tuwi namang nagtatawanan kami ni Kio'y natitingin sila Angela sa amin. Nawawala tuloy ang ngiti sa labi ko. Naaalala ko na ang lahat nang ginagawa kong ito ay isang pagpapanggap lamang.


Naguguilty na 'ko sa totoo lang. Napapalapit na rin kasi talaga ako kay Kio.


"Anong order mo?" Tanong niya sa akin.


Nasa chowking kami ngayon. At bakit kasama ako? Syempre, sinundan ko siya.


"Ahmm, chicken meal lang, saka siopao."


"Ang laki na ng pisngi mo, magsio-siopao ka pa." Bulong niya.


"Ano namang connect no'n?" Kunot noo kong tanong.


Hindi siya sumagot at umirap lang. Tumayo na siya at nagpunta sa counter.


Maya-maya'y nakabalik na siya sa upuan dala na rin ang pagkain namin.


Rice meal lang din ang inorder niya at tubig. Hiyang-hiya naman 'yung order ko na rice meal, siopao, coke, halo-halo tapos may inorder pa siyang butchi para kung sakaling gutom pa raw ako. Ginagawa akong baboy ng isang 'to, ah! 200 lang ang bigay ko sa kan'ya, malamang kulang ang bayad ko. So sa makatuwid, siya na ang nagbayad nang iba.


Nagsimula na kaming kumain. Hinati niya 'yung rice niya at yung kalahati ay ginilid niya sa pinggan. Hindi niya kakainin? Iyon na nga lang ang order niya tapos hindi pa niya mauubos? Kaya naman pala patpatin ang isang 'to kasi napakahinang kumain e.


Pero paano niya napabagsak si Brix sa isang suntok lang kung mahina siya sa carbs? Siguro sa gatas? Kaya matibay at malakas ang buto niya?


Ano ba 'tong iniisip ko. Nonsense.


Nagsimula na lang din akong kumain.


Hindi ko na makayang ubusin pa ang halo-halo kaya binigay ko na lang sa kan'ya 'yon. Pa'no ko pa kasi mauubos 'yon, e napaka dami ko nang nakain.


Habang kinakain niya iyon ay nakahalumbaba lang ako sa lamesa at nakatitig sa kan'ya.


Unti-unti kong nilapit ang kamay ko para sana hawiin ang buhok niya pero nagulat ako dahil bigla niya 'kong hinawakan para pigilan. Actually, he did not hold me. It was more like a slap to stopped my hand from reaching him.


"T-titignan ko lang naman ang mga mata mo..." Pagdadahilan ko.


"Huwag." He then looked away and continue eating.


Ngumuso ako. "Bakit ba ayaw mong hawiin ang buhok mo? Nakakakita ka pa ba sa lagay na 'yan?" Halos umirap ako.


"Wala kang pake." Masungit niyang sagot.


I sighed. "Gusto ko lang naman makita ang mga mata mo. Lagi na lang nakatago riyan sa buhok mo."


Hindi niya 'ko pinansin at nagpatuloy lang sa pag-kain ng halo-halo. Talagang kahit anong sabihin ko, wala lang iyon sa kan'ya.


•••


Sinabayan ko rin siya sa pag-uwi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nasasanay na rin siya sa akin na panay nakasunod sa kan'ya.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now