15: Wax

3.6K 122 9
                                    

:


Wax walked out after that. Pero nag usap muna kami bago siya makaalis. He said I cheated, na pinabulaanan ko naman dahil nga nakipagbreak na 'ko sa kan'ya in the first place so he cannot consider that as cheating. Si Raf naman ay naiinis sa 'kin dahil nga dinamay ko pa raw siya. Though nawala rin naman ang tampo dahil nilibre ko siya. Anything he wanted.


Malaki na ang galit sa 'kin ni Wax pagkatapos no'n. Wala na rin naman sa 'kin ang mga nangyari kaso parang ang awkward lang kung magkikita pa kami.


"Basta, Ran, sa Sunday ha? You should come!" Pagbabalik huwisyo ni Sheryne sa akin.


"Oh, yeah, I will. Ano bang gift ang pwedeng ibigay sa ate mo?" Tanong ko.


She looked up as if she is thinking of something.


"Well, she loves bags and stuffs."


Napatango na lang ako nang marahan. Bag na lang siguro ang bibilhin ko. Maganda naman ang taste ko sa mga ganoon kaya kayang kaya.


"Naiihi ako." Sheryne blurted.


"Huh?" I frowned. "Edi pumunta ka sa CR." I almost rolled my eyes.


"Samahan mo 'ko," She hooked my arm.


"What for? Hindi ka na bata, Sheryne. Ayun lang ang CR, oh!" Sabay turo ko sa restroom.


"Bilis na, mag isa lang ako roon. Ikaw din, mag isa ka lang din dito, baka mamaya may tumabi pa sa 'yo kaya tara na, samahan mo na 'ko." She pouted.


Now, I really rolled my eyes because of her childishness.


Tumango na lang ako sa kan'ya at inubos na 'yung margarita bago tumayo.


Hinila ako ni She papunta sa CR at nakigulo kami sa mga tao. May nakakabunggo sa amin kaya nahirapan pa kaming pumuntang restroom. Sabi ko kasi sa kan'ya, sa gilid na lang kami dumaan pero itong babaeng ito, sa dancefloor na lang daw dahil sa gilid, puro mga lalaki at mukhang mga lasing din kaya mas pinili niyang dito na lang dumaan.


"Iihi ka rin ba?" Tanong niya.


"Hindi. Retouch lang siguro," Kibit-balikat ko.


Malapit na kami sa banyo nang may matanaw. May nakahalukipkip at nakasandal na lalaki sa pader malapit sa pinto ng CR. Naka black shirt siya at rip jeans. Tinapunan ko 'yon ng tingin at nag iwas din agad dahil pumasok na kami nang tuluyan sa loob ng CR.


Pumasok na si Sheryne sa isang cubicle habang ako, diretso sa salamin at naglagay ng face powder. Nag spray din ako ng pabango at pinahapwayan ng hawi ang buhok para umayos.


Napatingin ako sa babaeng lumabas mula sa dulong cubicle. Nagsalamin din siya at biglang natigilan. Sinuri niya ang sarili at parang may hinahanap.


"Oh jeez, I didn't bring my bag with me." She squinted her eyes on the door.


"Babe?" She shouted. "Are you there? Na sa 'yo 'yung bag ko, right? Dalhin mo rito! Come inside!"


I cleared my throat. My eyes lingered to the door that just opened and saw a familiar man. Nanlaki ang mata ko at agad na nag iwas ng tingin. Nagkunwari akong may hinahanap sa bag.


Sa peripheral vision ko, nakikita kong nakatingin siya sa akin.


"Wax? Babe? My bag," The girl spoke. Trying to get the attention of her boyfriend.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now