Hindi pa rin ako mapakali. Nasa lobby ako pero ang utak ko, lumilipad kung saan saan.
4pm na kaya nag out na ako. Hindi ko pa nakikita 'yung Kelly na lumabas o bumaba man lang.
They are taking too long, huh? Ano kayang pinag uusapan nila? Or should I ask, ano ang ginagawa nila?
Image of Kio holding the thin waist of Kelly while kissing her passionately flashed in my mind.
Argh, shake it off, Ran. Huwag ka munang mag isip nang kung anu-ano. Ask him, confront him or what basta't huwag ka lang munang mag isip nang kung ano. Trust him.
Lumabas na ako sa hotel dala ang bag ko saka pumunta sa isang malapit na coffee shop. Umorder ako ng frappe para naman lumamig ang ulo ko.
"For Ms. Tharia!" Sigaw noong cashier.
Nagulat ako sa pangalang tinawag.
Malapit lang ako sa pinakacounter kaya no'ng lumapit si Tharia, tinawag ko siya. It's been days since we last saw each other.
"Uy! Andito ka pala? Hindi mo ata kasama si Kio?" Tanong niya saka umupo.
Napawi ang ngiti ko. "Uh... Nasa opisina pa. Sa hotel."
"Oh..."
Ngumiti ako nang maliit sa kan'ya saka binaba ang tingin sa isang kape na dala niya.
"Para kay Trevor?" Tanong ko.
"Ah, oo. Gusto raw ng espresso e."
Tumango na lang ulit ako at bumuntong hininga. Nararamdaman ko ang mapanuring mata ni Tharia na nakatingin sa akin.
"May... problema ba kayo?" She suddenly asked. Agad naman akong napatingin sa kan'ya.
Umiling lang ako. Tumawa naman siya.
"Babae ako, Ran. Ramdam ko kung may problema ang kapwa ko babae lalo na pagdating sa lalaki. Dumaan din ako diyan. Kung... komportable ka at gusto mo nang may makikinig sa'yo, pwede kang magkwento sa akin." Tharia gave me an assurance smile.
I licked my lips and breathe. Ready to tell the story when the waiter called me to pick my order.
"Choco hazelnut frappe for Ms. Ran!" He called. Sabi ko kay Tharia saglit lang.
Tumayo na 'ko at pumunta sa counter. The man gave the frappe to me. Natawa ako noong makita ang nakasulat.
'Ran.' My name was written to it. May kasunod pa. 'Smile now, pretty.'
Iyon ang nakasulat doon. Nangiti naman ako at tinignan 'yung barista na tumawag sa akin. I then smiled at him and chuckled.
"Thank you," I nodded.
Tumawa naman siya at napakamot sa ulo. "You're welcome, Ma'am! Sabi na, you're more prettier when you smile." He smiled too as his dimple showed.
Ngumiti ulit ako bago bumalik sa lamesa.
Lumapat ulit ang tingin sa akin ni Tharia na para bang hinihintay talaga ang kwento ko.
"Baka lumamig na 'yang kape ng asawa mo." Turo ko.
"Hindi. Ako na lang ang iinom nito. Oorder ko na lang ulit siya." Saka niya tinanggal 'yung kape doon sa cup holder.

YOU ARE READING
My Boss is the Nerd I Rejected
RomanceWarning⚠: UNEDITED. EXPECT SO MANY TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Ran Valiente got herself into most badass group in her school. She's too scared to be alone so even though Angela a...