Chapter 6

5.3K 159 1
                                    

Maaga pa lang sinundo na ako ni Jenny sa Condo ko.

"Ang aga mo"-saad ko dito na nagkakape ito sa kusina.

"Dadaan muna tayo kay King,kukunin ko lang ang mga baril ko"-saad nito na panay buklat ng mga laman ng kabinet ko.

"Ano ba yan wala man lang pagkain"-reklamo nito.

"Hindi pa ako nakapamili "-

"Daan tayo sa Restaurant nila Ann,si Roice ngayon namamahala doon"-natatawang sabi ni Jenny.

Mabilisan lang ako naligo at nag suot lang ng pantalon at T-shirt ,ganito lang naman lagi ang porma ko.

"Let's go"-aya ko kay Jenny.

Si Jenny ang nagdrive ,kakain daw muna kami sa restaurant nila Ann.

Nagpark lang ito sa mismong harap ng Restaurant.Kilala na kami ng mga waitress dito at ng ibang nagtatrabaho Sa Restaurant nila Ann.

"Oh putang ina nakasimangot na si Roice nang makita tayo"-nakangisi na saad ko kay Jenny.

"Morning baby Roice"-bati ni Jenny dito.

"Walang libre Jenny,aba magbayad na kayo ilang beses na kumain kayo dito na hindi nagbabayad!"-nakasimangot na sabi ni Roice sa amin.

"Bea magbayad ka daw"-ngisi na saad ni Jenny sa akin.

Tumawa lang ako dito.Nag order lang kami ni Jenny ng kanin at ulam.

Pagkatapos namin kumain tumayo na rin kami dahil pupuntahan namin si General at si Geo.

"Roice maraming salamat"-sigaw ko dito.

"Kapal talaga ng mukha niyong dalawa !"-galit na sabi ni Roice na hagalpak na tumawa si Jenny.

Dumaan muna kami saglit kay King.

"Boss , ito na mga baril mo"-saad ni King.

"Salamat King,sa uulitin"-saad ni Jenny.

Nagpaalam na kami dito.Pumunta na kami kay General, dumiretso na kami sa office ni General.

"Sir"-

"Buti nandito na kayong dalawa"-saad ni General.

"Alam ko na alam na ninyo ang nangyari,sa inyo ko ibigay ang Misyon na ito"-seryosong saad ni General.

"Give us more time Sir,inaalam pa ni Geo kung saang lugar puwedi magtago si Rosales"-saad ko dito.

"May tiwala ako sa inyong dalawa,sayang lang wala na sa grupo niyo si Walton"-

Ngumiti lang kami ni Jenny dito at nagpaalam na.

"Saan daw ngayon si Geo?"-tanong ko kay Jenny.

"Sa underground daw siya ngayon"-

Sobrang higpit dito sa underground,No ID No Entry.Lahat ng miyembro dito may mga security Id kami.Kapag miyembro kana dito puwedi ka magdala ng baril sa loob.

"Boss"-bati sa amin ng mga securities dito.

Pumasok na kami sa loob,dito sa underground meron Malaking bar,dito kami dumiretso ni Jenny dahil nandito daw si Geo.

Nakita namin si Geo na kasama si Bry at si Drake.

"Omg!baby Drake!"-sigaw agad ni Jenny,natatawa tuloy ako sa mukha ng tatlo.

"Lahat ng lang Jenny baby mo!"-nakasimangot na sabi ni Drake

"Bakit ayaw niyo sa akin,si Bry din"-natatawang sabi ni Jenny.

"Alam naman namin puro ka kalokohan  Jenny"-irap na sabi ni Bry dito.

"Geo any updates?"-tanong ko kay Geo

"Umupo ako sa tabi ni Drake.

"Bango mo Drake"-inaamoy amoy ko ito.

"Isa ka pa Bea , tumigil ka!kailan ba kayong dalawa tumino"-sabay tayo nito at umalis na.

"Suplado niyo mga putang ina kayo!"-natatawang sabi ni Jenny.

"Oh Geo ano na at tatrabahuhin na namin iyan"-saad ni Jenny na umupo na sa tabi ni Geo.

"Nasa Samar siya"-tipid na sabi ni Geo

"Naka jackpot talaga ako,nandoon nakatira ang jojowain ko"-ngisi na saad ko.

"Kailan tayo pupunta doon?"-tanong sa akin ni Jenny.

"Bry hatid mo kami mamayang gabi "-saad ko dito.

"Okay, Kailangan ko pa mag ayos na mga gamit ko"-saad ni Jenny.

Tumayo na kami at nagpaalam na dito.

Ayos na din nandoon si Rosales dahil nandoon si Ace.





Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now