Chapter 15

5.1K 153 3
                                    

"Putang ina ang tagal ni Ann"-reklamo ni Jenny dito.Habang si Father, pinapawisan ito dahil akala siguro niya mga rebelde kami dahil may dala dala kaming baril.

"Father huwag po kayo matakot,mababait po kami"-nakangiti na saad ko dito.

Ngumiti lang si Father Sa akin .Ang dalawang Matandang babae na nagtitinda ng kakanin na kinuha pa ni Jenny para maging witness slash ninang daw.Napapatawa na lang ako sa kalokohan namin.

Maya maya lang nakita na namin si Ann at kasama ang napaka pogi kong husband to be.Walang hiya naman oh, tinutukan pa ni Ann si Ace ng baril kaya naman rinig ko ang tawa ni Jenny dito.

Nagtataka itong nakatingin sa amin .

"Father umpisahan mo na po nandito na ang groom"-saad ni Jenny na nakangisi ito.

"Hi ,Love"-bati ko dito.

"Ano namang kalokohan ito Bea!?"-galit na sabi nito.

"Hijo,Ace ikakasal ko daw kayo"-saad ni Father.

"What?!"-gulat na sabi nito.

"Umpisahan mo na po Father dahil may pupuntahan pa kami"-nakangiti na saad ni Ann dito.

"Kiss the bride na agad para tapos na"-sabi ni Jenny humalakhak ng pagkalakas si Ann.

Fuck! parang bahay bahayan lang ang ginagawa namin.

"Oo nga pala po Father , Kailangan e register mo agad ito sa Registrar office "-saad ko kay Father na litong lito pa din.

"Si-sige"-pati si Father natatakot dahil nakatutok pa rin ang baril ni Ann kay Ace.

"Taina naman Ann, ibaba mo na ang baril mo baka mabaril mo ang aasawahin ko"-

Tumawa naman si Jenny dito.Fuck!Nagtatawanan pa silang dalawa.

Galit na bumaling si Ace sa akin.

"Wala na bang natitirang matinong pag iisip sa utak ninyo?!"-Galit na sabi nito.

"Meron pa naman "-nakangiti na saad ko dito.

"Uumpisahan ko na ang pagpapakasal sa inyo"-ani ni Father na may sinasabi ito at konting dasal.

"Ann kunin mo ang holy water"-utos ni Jenny kay Ann.

"Ha?bakit?"-nagtatakang tanong ni Ann dito .

"Sabuyan mo ng holly water si Bea"-sabi ni Jenny na tumatawa ito.

"Putang ina ninyo si Father iyan ang gagawa"-sabi ko dito na humagalpak ng tawa ang dalawa.

Si Father ,ang dalawang sacristan,ang dalawang Matandang nagtitinda ng kakanin at Si Ace ay nakanganga ang mga ito.Parang ayaw na nila yata gumalaw.

"Tapos na po ba Father?"-tanong ni Jenny dito.

"Babasbasan ko na lang"-nakangiti na saad ni Father.

"O kiss the groom na Bea"-nakangisi na sabi ni Ann.

"Bakit kiss the groom,dapat kiss the bride"-saad ko dito.

"Kiss the groom,ikaw kasi pumilit na ipakasal kay Ace"-natatawang sabi ni Jenny.

Humarap ako kay Ace at walang sabi sabi hinalikan ko ito.

"Humayo kayong taglay ang kapayapaan Upang ang panginoon ay mahalin at paglingkuran"- saad ni Father dito pero si Ace tulala pa rin .

"Mabuhay ang bagong kasal"-nakangisi na saad nina Jenny at Ann.

"Nanay ito pala ho tanggapin ninyo bilang pag sasalamat sa pagganap na ninang at witness"-inabutan ito ni Jenny ng libo libong pera.

"Father lahat na kailanganin ninyo dito sa simbahan sagutin na namin,kami ang magiging sponsor ng simbahan ninyo"-nakangiti na saad ni Ann.

"Tara na tapos na ang kasal,may huhulihin pa tayo"-nakangisi na naman si Jenny na nakatingin sa akin.

"Love mamayang gabi na ang honeymoon ,okay?May gagawin lang kami na napaka importante"-saad ko dito na kumindat muna ako dito.

"Thank you po father"-paalam namin kay Father.Nakita namin si Mang Ernesto, siguro pinasunod ito ni Ann.

"You always give me a headache and stressed"-napapikit na sabi ni Ace sa akin.

Ngumiti lang ako dito, hinalikan ko ulit ito sa labi.

"Alis na ako, pupuntahan kita mamayang gabi"-

"Bea dumudugo ang sugat mo"-nag alalang sabi ni Ace sa akin.

Shit!kaya pala masakit,dali dali kinuha ni Ann ang baon niyang panyo at tinalian ang sugat ko.

"Let's go,may kilala akong doctor dito,kailangan na natin ipagamot ,na infection na yata iyan "-seryosong saad ni Ann .

"Alis na ako Ace, Thanks again Father"-

Nauna nang lumabas ang dalawa, tumalikod na ako ng tawagin ako ni Ace.

"Bea?Mag-iingat ka at Hihintayin kita"-Lumingon ako dito, malungkot itong nakatingin sa akin.

Ngumiti lang ako dito.Pag ako nagpaalam hindi ako nagsasabi ng pangako or any promises dahil walang kasiguradohan kung makakabalik ako or Hindi,iyan lagi ang ginagawa ko kay Mommy at Daddy.Sinasabi ko lang na uuwi ako or babalik ako,iyon lang ang sinasabi ko.

Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now