Chapter 27

5.3K 166 3
                                    

Hinintay muna namin ang nurse makatapos sa pag lilinis ng sugat ko at pagpapainum  ng Gamot sa akin.

Nang nakalabas na ang nurse,dali dali ako nagbihis ganun din si Ann.

"Na hacked na ba ni Geo ang CCTV sa kulungan?"-tanong ko kay Ann.

"Yeah,nag iisa lang siya sa loob,sa taas ka dumaan dahil meron daan sa itaas ng kanyang kulungan"-sabi ni Ann na tumango lang ako.

Ni locked ni Ann ang kuwarto bago kami umalis ,nagsuot ako ng sumbrero palabas ng hospital.

Nakita ko si Geo at Drake na nakatayo sa labas ng kotse ,agad naman kaming sumakay ni Ann.

Pinaandar agad ni Drake ang kotse at umalis na kami.

"Ito ang Baril mo"-inabot sa akin ni Geo ang silencer na baril ko.

May pinakita si Geo na isang blue print,

"Dito ka dumaan,sa mismong kulungan ni Rosales may butas sa kisame doon ka lulusot mismo sa loob ng kanyang tinutulugan, siguradohin mo lang na ibalik mo sa ayos ang takip sa kisame ,20 minutes mag shut down ang ilaw Kailangan makabalik kaagad dito"-mahabang paliwanag ni Geo sa akin.

Tumango lang ako dito.

Pagdating sa presinto, sinuot ko muna ang bonnet  at mata ko lang ang makikita.Bumaba na ako,nilagay ko muna sa tenga ko ang headphones para mamaya may connection ako sa kanila.Mabilis ako dumaan sa likod,kailangan ko pa akyatin ang pader na iyon para makapasok na loob,

Maingat at walang ingay na nilapag ko ang aking mga paa sa sahig,narinig ko nagsalita si Geo.

"Lumiko ka sa kabila,doon makikita mo sa itaas ng kisame ,itulak mo lang ito"-

Dali daling lumiko ako at nakita ko nga na may maliit na takip ito,inangat ko ito at dahan dahang umakyat,gumapang ako ng walang ingay na nilikha,nakita ko na ang kulungan ni Rosales,

Maingat kong tinaas ang takip ulit at Dahan dahang bumaba,natutulog siya.

May maliit na mesa ito sa gilid at isang maliit na upuan.Umupo ako malapit sa tinutulugan niya.

"Good evening Senior"-nakangising saad ko dito ng bigla itong nagmulat,nakita ko ang sobrang gulat nito.

"Si-sino ka?!"-

Tinanggal ko ang bonet na nakatakip sa mukha ko.

"Santillan?!"-

"Who else"-nakangiti na saad ko dito.

"A-anong ginagawa mo dito?!"-

"Tinatawag ka na daw ng iyong anak na si Regor,kaya sumunod kana"-

"Pinatay ninyo ang anak ko!dapat lang rin na namatay si Rivas ,patas lang tayo!"-

Ngumisi ako dito.

"The Assassin's is still kicking"-nakangisi na saad ko dito.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Now ,you need to follow your son"-tinutok ko dito ang baril.

"Rest in peace Senior"-

Duguan itong nakalugmok sa kanyang higaan.

"Bea,e shut down ko na ang ilaw,lumabas kana "-its Geo

Mabilis ulit ako umakyat sa kisame,shit! naramdaman ko ang kirot ng sugat ko.wala pang 10 minutes nasa sasakyan na ako.

Hinubad ko agad ang jacket dahil dumudugo na ang aking sugat.

"Let's go"-ani ni Ann na tinulungan akong punasan ang dugo na galing sa bandang dibdib ko.

"Babalik muna kami sa Manila bukas"-ani ni Geo.

Tumango lang kami ni Ann.

Pagdating sa hospital tinawag ni Ann ang nurse para linisan ulit ang sugat ko,nagtataka ang Nurse pero hindi lang ito umimik.

"Babalik na kami sa Manila,mauna na ako sa iyo"-saad ni Ann .

"Lalabas na rin ako dito sa hospital,doon na ako magpapagaling sa Manila"-sabi ko dito.

Ngumiti dito si Ann..

"Soon,She will come back to us again"-nakangiti na sabi ni Ann.

"Yes,in a right time"-saad ko dito na nakangiti.


Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now