Chapter 7

5.2K 165 5
                                    

"Tigilan mo ako Jenny"-irap ni Bry dito.

"One night stand lang Bry"-ngisi na saad ni Jenny.

Nandito na kami ngayon sa Samar at dito pa rin ako tumuloy sa inuupahan ko,ngayon dalawa na kami ni Jenny.

"Balik na ako ng Maynila"-tumayo na si Bry.

"Sige ingat ka"-saad ko dito

"Tawagan niyo lang ako pag may Kailangan kayo"-tumango na lang ako dito.

"Bry kiss ko"-saad ni Jenny.

Masama lang tiningnan ito ni Bry.

Alas Diyes na ng gabi,nagpaalam muna ako kay Jenny.

"Puntahan ko lang si Ace"-

"Sige tulog na lang muna ako,dalhin mo ang susi"-saad nito.

May motor ako dito kaya hindi ako mahirapan pagpunta sa bahay nila Ace.

Hindi naman masyadong  kalayuan dito sa inuupahan ko,mabilis lang ako nakarating.

Pagdating ko patay na lahat ang ilaw.Mala Ninja na naman ang gagawin ko.Umikot ako sa likuran at umakyat sa isang puno na kung saan malapit ang bintana ng kuwarto ni Ace.

Dahan dahan akong tumalon na walang ingay.We trained before sa undergrounds na kung paano gumalaw na parang Ninja,mabilis at walang ingay na nalilikha.Sanay na ang mga mata namin sa madilim.Aaminin ko si Ann pinaka malupit pagdating sa mga Ninja moves.

Binuksan ko ang bintana ng dahan dahan.He's sleeping.

Dahan dahan akong lumapit sa kama niya.Nagulat ako ng bigla akong nitong  tinutukan ng Baril .

"Who are you?!"-

"Ako ito Love"-saad ko.

"Bea?"-

"Yeah"-nakangiti ako dito,tinanggal ko muna ang sumbrero ko.

"Ghad,akala ko magnanakaw.Bakit diyan ka dumaan sa bintana?!"-galit na sabi nito.

Hindi na ako sumagot.Hinubad ko na lang ang jacket ko at sapatos, hinubad  ko na rin ang  damit at pantalon ko.

"A-anong ginagawa mo?"-

"Matutulog"-sagot ko na nginisihan ko pa siya.

"Kailangan mo talaga maghubad!"-inis na sabi nito.

"Oo,hindi ako sanay matulog na may damit,pagod ako gusto ko magpahinga na"-saad ko dito.

Pumunta na ako sa kama at humiga.Ngayon ko lang napansin na wala pala itong suot na damit at naka boxer lang ito.

Sobrang pagod ko talaga,dahil pakiramdam ko hinihila na ako ng antok.

Naramdaman ko lang na tumabi sa akin si Ace kaya niyakap ko ito.

"Tanggalin mo ang bra ko Ace"-sabi ko dito na nakapikit ako,medyo masakit kase sa Dibdib pag hindi ko tinanggal ang bra.

Naramdaman ko na lang na tinanggal na niya ito.

"You make me hard"-bulong nito sa akin na nakayakap na rin ito sa akin..

Iminulat ko ang aking mata at nginisihan ito.

"Hanggang hard lang muna hangga't hindi mo ko sinasagot."

Pinitik nito ang Noo ko at niyakap ng sobrang higpit.

"Go sleep,alam ko pagod ka"-bulong nito na hinalikan ako sa noo.

Sarap ng yakap ko dito dahil sa init ng katawan namin.Bukas ko na lang siya kausapin dahil pag ganito puyat at pagod ako sarado ang utak ko.

Hindi ko na kinaya ang sobrang antok.

"Good Night....."-ang huling narinig ko sa kanya bago natuluyan na hinila ako ng antok.

Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now