Dito lang ako naghintay sa labas habang si Ace nasa loob ng Restaurant ,may kausap itong isang babae at dalawang lalaki.
Dahil nakaramdam ako ng gutom pumasok ako sa restaurant, dahil galing pa ako sa Manila.Dito kasi sa Samar si Ace,at sobrang layo ng lugar nila.
Lumuluwas lang ito Kapag may asikasuhin sa Manila or may okasyon silang magkakaibigan.Kanina nagpahatid lang ako gamit ang sarili kong chopper .
Tinago ko ang aking baril sa aking tagiliran ,nakasuot lagi ako ng medyo malaking t-shirt at pantalon.
Umupo ako malapit sa table nila Ace.Lumapit sa akin ang isang dalagita,at binigay ang menu.
Hindi naman kalakihan ang Restaurant na ito , simple lang pero maganda.
Dalawang rice at dalawang klaseng ulam ang inorder ko.
Nakaharap ako kay Ace, nakatingin ito ngayon sa akin.
Ang guwapo talaga nito,lahat naman silang magkakaibigan mga guwapo rin, type ko nga noon si Jaime kaso nang nakilala ko si Ace ,siya na iyong hinahabol habol ko.
Nagsimula na akong kumain,tutok na tutok akong kumakain nang biglang may umupo sa harap ko.
Napangisi tuloy ako .
Tatlong lalaking mukhang armado.
Nakita ko si Ace na dali dali itong lumapit sa akin.
"Anong kailangan niyo mga Sir?"-nakangising saad ko sa tatlong lalaki...
"Ang ganda mo Miss"-sabi ng medyo mataba.
"Let's go Bea"-saad ni Ace na kinuha ang kamay ko para tumayo.
Putang ina ! Hindi pa ako tapos kumain!Pinaka ayaw ko talaga sa lahat kapag kumakain ako may nang iistorbo.
"Alam niyo bang tatlo na galing pa ako sa Manila at sobrang gutom ako,ang pinaka ayaw ko sa lahat iniistorbo akong kumakain!"-ngisi na sabi ko dito.
"Ace pare pasensiya na mga tauhan ko iyan"-biglang dating naman ng isang lalaki na kausap kanina ni Ace.
Hindi ito pinansin ni Ace sa halip hinila ako patayo.
"Let's go,huwag mo nang patulan"-parang nakikiusap na bulong nito, syempre dahil mahal ko sumunod na lang ako.
Bago ako sumunod kay Ace Lumingon muna ako sa kanila,
"Kapag nagtagpo ulit ang landas natin at umulit ang nangyari"-nagsign language ako dito na pinagbabaril ko sila at sobrang nagulat ang mga ito sa reaction na Ginawa ko.
Pagdating ko sa sasakyan,nakaupo na sa loob si Ace at pumasok na rin ako sa driver seat.
"Puwedi ba controlin ang init ng ulo para iwas gulo"-saad agad nito sa akin.
"I love you"-sagot ko naman dito na namula naman ang buong mukha nito.
"Kailan ka ba makausap ng matino?!"-galit na sabi nito.
"Kapag jowa na kita"-ngiti na sabi ko dito.
Galit lang ako nito tiningnan.
"Saan tayo love?"-tanong ko dito.
"Pupuntahan ko ang girlfriend ko"-saad nito sabay iwas ng tingin.
"Alam mo Ace prangkahin na kita,gusto kita.Hindi ako magtitiyaga na puntahan kita Dito.Pero isa lang ang gusto kong sabihin.. Aagawin kita sa jowa mo"-ngumisi ako dito at ikinanganga naman nito.
Panay naman ang hilot nito sa kanyang ulo.
"Gusto ko rin sabihin sa iyo,kahit katiting hindi kita gusto!kaya tigilan mo na ako at bumalik kana sa Manila"-diin na sabi nito pero tinaasan ko ito ng kilay.
Humarap ako dito at diretso ko itong tiningnan sa mata.
"Wala pa akong hindi nakukuha Ace,kung Kailangan ko pumatay sa lahat na humahadlang sa akin para makuha kita,gagawin ko"-nakangiti kong sabi .
"Ghad!your Unbelievable!"-Galit na sabi nito.
Ngumisi lang ako dito at pinaandar ko na ang kotse.
Minsan Kailangan mo ring maglaro ng marumi.At iyon ang gagawin ko.
YOU ARE READING
Dangerous Assassin's
RomansaBea Clare Santillan- Don't try to blocked her Way. Kilala sa isang black underground na Dangerous Assassin's.Walang sinasanto ,kahit sino kaya niyang banggain. Isa sa Mission niya ang maging isa sa bodyguard na anak ng isang Pinakamayamang Negosyan...