Chapter 12

5.3K 159 6
                                    

Maya maya ang tigil ko sa pag drive dahil nangangalay ang isang kamay ko.Fuck! ramdam ko na ang kirot .Sa wakas nakarating din ako ,hindi ko kaya umakyat sa puno kaya sa gate na ako dadaan .Pinark ko muna ang kotse sa di kalayuan ng Mansion nila Ace.Naglakad ako papunta sa Gate at mero isang sasakyan naka park sa labas.

"Good evening ho"-bati ko sa guwardiya,kilala naman nila ako kaya bumati rin sila sa akin.

"Ma'am Bea"-saad ng isang guwardiya.

"Si Ace?"-tanong ko dito.

"Nasa loob po,nadiyan kasi si Ma'am Grace,pasok po kayo Nandiyan din naman si Don Juaquin"-

Napangisi tuloy ako, hanggang kailan ka magpapanggap Grace?

"Sige po salamat"-pumasok na ako sa loob ,dahil naka jocket naman ako hindi naman halata na hindi ko masyado magalaw ang kaliwang braso ko.

Sa pinto pa lang  nakita agad ako ni Ace at Grace,kitang kita ko ang ngisi ni Grace at ang mata nito nakatingin sa braso ko.

"Hi Love "-ngising bati ko kay Ace.

Napabuntonghininga ito ng tumingin sa akin.

"Umupo ka ,magpapahanda lang ako ng meryenda"-saad nito na umalis papuntang kusina.

Nakangisi na tumingin sa akin si Grace.

"Kamusta ang braso mo Black Shadow?"-nakangisi na saad nito.

"You're really Good in Games, Black Panther"-nakangisi rin saad ko dito.

"Akalain mo iyon nasakyan mo lahat ang drama at pagkukunwari na ginawa ko ,pati si Jenny napabilib sa acting mo"-

"Huwag ka magkampante na magagampanan mo iyan,noon hanggang ngayon traidor ka pa rin"-ngisi ko dito.

"Malapit na Bea,kunti na lang mabubura na kita"-seryosong sabi nito.

Napatawa tuloy ako,

"Really?sige mag unahan tayo,malas lang ng mga tauhan ninyo nag si atrasan na kanina"-napangisi ako ng makita ko ang Galit sa mukha niya.

Hindi na kami nag imikan ng makabalik na si Ace.

"Babe,uuwi na ako nag Text si Daddy na may pag uusapan pa kami,Bea mauna na ako at saka may tiwala naman ako sa boyfriend ko na hindi siya matutukso sa iyo"-nakangiti itong bumaling sa akin.

"Wait anong nangyari sa braso mo parang  napilayan ka yata!"-saad nito na lumapit pa at hinawakan nito ng mahigpit ang braso ko,napaigik ako sa sobrang sakit ng pag pisil niya.

Nakangisi itong tumingin sa akin.Fuck her!

Nagtataka na tiningnan ako ni Ace dahil sa reaction ko sa ginawa ni Grace.

"Bye babe,bye Bea"-nakangiti itong bumaling sa akin.

"Take care Grace, drive carefully"-Sabi ni Ace.

Nakaalis na si Grace nang tiningnan  ni Ace ang Braso.

"Your arm is bleeding!"-galit na saad nito.

Putang inang Grace na iyon!Shit! sobrang sakit dahil bagong tahi ito tapos dumudugo pa.

Hinila ako ni Ace papunta sa kuwarto niya, pagpasok namin sa loob hinubad nito ang jacket ko,naka suot lang ako ng sleeveless kaya kitang kita agad ang sugat pagkatanggal niya ng jacket.

"What happened?!"-galit na tanong nito.

"Napalaban lang"-tipid na sagot ko dito.

Napapikit ito at maya maya tumayo ito pumunta sa CR, pagbalik may bitbit itong first aid kit.

"Ouch!"-napasigaw tuloy ako sa hapdi,taina ang sakit!binuhusan ba naman ng Alcohol!

Hindi ito umimik habang nilinisan ang sugat ko, pakiramdam ko lalagnatin ako dahil sobrang init ko na at sobrang bigat ng talukap ng mata ko.

"Kailangan mo uminom ng gamot,nilalagnat kana"-nag alalang sabi nito.

Lumabas ito at humiga muna ako habang hinihintay siya.

Pagbalik niya pinainum niya agad sa akin ang tatlong klaseng tableta.

Ang sama ng pakiramdam ko na.Nakaramdam na rin ako ng antok.

"Pag minahal ba kita ,iiwan mo na ba ang trabaho mo?"-tanong nito na napamulat ako, tumingin ako dito, nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"I love my job,pero kung makapag hintay ka,gusto ko tapusin ang misyon na ito"-seryosong sabi ko dito.

"That's so Unfair !parang maghihintay lang ako sa wala!dahil hindi ko alam kung buhay ka pa babalik sa akin"-galit na sabi nito.

Napapikit na lang ako.Niyakap ko siya.

"Babalik ako kapag may isang taong naghihintay sa akin"-mahinang sabi ko dito.

Niyakap niya rin ako.

"Sana piliin mo rin ako kung importante ako sa iyo"-hinalikan nito ako sa noo.

Parang hinihila na ako ng Antok at naramdaman ko na lang na pinupunasan ako ni Ace.

Iniisip ko si Mommy,pareho sila ni Ace.Kung mahalaga sa iyo ang isang tao dapat mas piliin mo ito ,pero mahal ko ang trabaho ko at dito lang umiikot noon at hanggang ngayon ang buhay ko.



Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now