Chapter 18

5.1K 149 3
                                    

Nag take out na lang pagkain sina Ann at Jenny dahil balak nila mag inuman, bukas kasi babalik na si Ann sa Manila.

Pagdating sa bahay nilabas na ang mga pinamili naming pagkain kinuha naman ni Jenny ang mga beer sa loob ng ref.

"Gumagalaw na si Doc Garret sa pag imbestiga sa pag massacre sa Pamilya niya"-saad ni Ann.

Tiningnan ko silang dalawa, lalabas na ang katotohanang tatlong taon na nakalipas.

"Tama na Bea,huwag natin pigilan ang imbestigasyon,alam natin tatlo na wala tayong kasalanan kahit si Daddy ko "-saad ni Jenny sa akin.

"At pati si Don Juaquin at Ace nag sanib puwersa kay Doc Garret nasa kanila na Vedio pero hindi pa nila pinapanuod hangga't hindi pa kumpleto"-seryosong sabi ni Ann.

Pumikit ako,intensyon namin nilapitan si Doc Garret at si Ace.We were all there noong araw ng kaarawan ng Mommy ni Doc Garret kung saan nandoon din ang bunsong kapatid at Mommy ni Ace,May sumugod na mga Armado na dapat ang Daddy lang ni Doc ang patayin pero nadamay ang buong pamilya at ibang inosenteng tao,nandoon kami para protektahan pero nabaliktad lahat,ako ,si Ann,si Jenny at ang Daddy ni Jenny na si Dr. Rivas , kami ang nahuli sa vedio na may hawak na mga baril at kami ang naparatangan pero dahil sa impluwensya naming tatlo naharangan namin lahat ito at nanahimik ng tatlong taon.

Ngayon nalaman na namin kung sino ang nag massacre ,magbabayad sila!

"Huwag na natin dayain ang imbestigasyon ,hayaan na natin malaman nila lahat basta Alam natin sa ating sarili na  inosente tayo"-sabi ni Ann sabay lagok ng isang latang beer.

Napabuntonghininga ako,paano kung susuklaman  ako ni Ace?Putang ina ka Black Panther, sisiguraduhin ko na lahat ng kauri mo uubusin namin!

"Ann,paano si Lance?si Baby LA?kung sakali makulong tayo"-saad ko dito.

Mapait itong ngumiti.

"Tatlong taon na dala dala ko ang nangyari,siguro oras na para harapin na natin ang sekretong tinatago natin,na tayo ang humaharang sa mga imbestigasyon"-malungkot na saad nito.

"Pero hindi tayo ang nag massacre!nagkataon lang na na set up tayo,at ang vedio puwedi pa natin makuha"-giit ko dito.

"Bea stop it!okay ,tama na ,Oo nandoon na tayo pero Kailangan na natin harapin,pati mga kaibigan ni Ace even ang Asawa ni Ann,ni Cassy ,ni Kelly at mga kapatid ni Ann,tinutulungan nila si Ace para mabigyan ang hustisya ang pagkamatay ng kapatid niya at Ng Mommy niya"-galit na sabi ni Jenny.

Yumuko ako,paano kung makulong ako?Si Mommy,may heart problem si Mommy baka hindi niya kayanin lalo.

"Hindi alam ni General ito at alam ko magagalit siya sa atin"-malungkot na saad ni Ann.

Si General na ang nagiging tatay tatayan namin, pero hindi namin sinabi ang lahat ng ito.

"let's face it, let's not deceive the investigation,ayoko  na lokohin  si Doc Garret"-matigas na sabi ni Jenny.

Mapait akong ngumiti dito.

"Si Dr. Rivas?"-saad ko.

"Okay lang Kay Daddy,handa na rin si Daddy humarap"-tumingin si Jenny sa  akin.

"Bea,alam ko pag nalaman ito ng Daddy mo,mangingialam siya sa kaso,please sabihan mo siya na hayaan na ang mga pulis gumalaw ng imbestigasyon,malalaman din sa huli na wala tayong kasalanan"-pakiusap nito sa akin.

Tumango lang ako dito,tumayo na ako.

"Pupuntahan ko si Ace"-mahinang saad ko sa kanila.

"Nakainum ka,dahan dahan lang sa pag drive"-ani ni Ann.

Tumalikod na ako,I can't control my tears, Biktima rin kaming tatlo pero dahil takot kami malaman nila ang nangyari ,nilaro namin ang krimen at ngayon malapit na nilang malalaman na nandoon kami sa nangyaring naganap na massacre.

Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now