Nandito kami lahat sa loob ng ICU,si Garret nakayapos pa rin ito kay Jenny,tinanggal na ang ibang aparato sa katawan ni Jenny.Sobrang sakit!ang sakit sa Dibdib!Hindi nauubos ang mga luha ko,patuloy na dumadaloy sa aking mukha.
Nakita ko si Dr.Rivas.
"Bea ,Ann puwedi ko ba kayong dalawa makausap?"-saad nito na tumingin kami ni Ann.
Tumango lang si Ace sa akin.Tinulak ni Ann ang wheelchair ko palabas na kasunod namin si Dr . Rivas.
Sa isang chapel kami pumunta.Tumingin ako sa unahan kung saan may nakapako sa krus.
Are you for real?bakit si Jenny pa?bakit siya pa?!Oo hindi ako palasimba,hindi ako nagdadasal pero naniniwala ako sa iyo.Please,give her another chance!Hindi ko napigilang humagulhol.
Pati si Ann umiiyak din ito.Umupo si Dr.Rivas sa tabi namin at nakatingin rin ito sa unahan.
"Alam ko kung gaano niyo kamahal ang anak ko,at nagpapasalamat ako na mayroong siyang tapat at maaasahan na kaibigan"-saad nito na lumuluha na nakatingin sa amin.
"Alam ko na mapagkatiwalaan ko kayo,sana maintindihan ninyo ako"-saad nito sabay abot ng papel sa amin.
Binasa namin ni Ann ito,nagkatinginan kami ni Ann.
Tumango lamang kami ni Ann dito,tumayo na si Ann at tinulak ulit ang wheelchair ko pabalik sa loob ng ICU.
"Ann, puntahan mo ako mamayang gabi dito sa Hospital,mamayang gabi aalis tayo,maniningil lang ako!"-saad ko dito.
Tumango lang ito sa akin.
Nadatnan namin na umiiyak si Garret .Tinanggal na ang lahat ng aparato na nakakabit kay Jenny.Tinabonan na ito ng puting tela,pumasok na rin si Dr.Rivas at siya ng tumulak palabas kung saan nakalagay ang katawan ni Jenny.
Gusto sana sumunod ni Garret pero pinigilan ko ito.
"Huwag muna sundan,dadalhin na ang katawan niya sa US,respeto na lang natin ang desisyon ni Dr Rivas"-matigas na sabi ko dito.
Umiiyak itong lumingon sa akin.Yumuko na lang ako,ayoko ko tingnan ang sakit at Lungkot sa mga mata niya
"Ace gusto ko na magpahinga"-saad ko dito,dahil mamayang gabi may gagawin kami ni Ann.Napag usapan namin ni Ann na siya muna magbabantay sa akin mamaya para hindi kami mahirapan tumakas sa hospital.
"Baby,sorry kung wala rin kami magawa para mabuhay si Jenny"-malungkot na saad ni Ace.
Ngumiti lang ako dito,
"It's okay, tatanggapin na lang natin ang mga pangyayari"-seryosong sabi ko dito.
Nakahiga na ako sa kama ng pumasok si Ann.
"Ace ako magbabantay kay Bea mamaya,bukas kana bumalik"-saad ni Ann.
"Ha?No, it's okay,kaya ko naman"-nagtatakang sagot ni Ace.
"Putang ina,ako na nga! babarilin kita diyan eh"-nakanganga si Ace na nakatingin kay Ann.Napapailing na lang ako dito.
"Si-sige,bukas ng umaga ako babalik"-
Lumabas din agad si Ann dito.
"Sige na magpahinga ka muna"-saad nito na inayos aang kumot sa katawan ko.
Umalis muna sila Mommy, sinabihan ko rin ang mga ito na bukas na sila bumalik.Nakatulog ako at Halos alas sais na ako nagising.Inasikaso muna ako ni Ace bago ito umuwi.
"Bukas na ako babalik"-hinalikan nito ako sa labi.
"Ingat ka"-nakangiti na saad ko dito,maya maya lang pumasok si Ann.
"Sige na ,aalis na ako"-
"Oo na Ace,kanina ka pa panay paalam hindi ka pa rin umaalis"-irap na sabi ni Ann na tumawa na lang ako.
Dali dali namang lumabas si Ace.
Napangisi akong tumingin kay Ann.
"The Assassin's Game is not Over yet"-saad ko dito.
"Yeah"-nakangising na sagot ni Ann.
YOU ARE READING
Dangerous Assassin's
RomanceBea Clare Santillan- Don't try to blocked her Way. Kilala sa isang black underground na Dangerous Assassin's.Walang sinasanto ,kahit sino kaya niyang banggain. Isa sa Mission niya ang maging isa sa bodyguard na anak ng isang Pinakamayamang Negosyan...