Chapter 11

5.2K 151 3
                                    

Nag ikot ikot muna kami ni Jenny sa bayan,

"May Club pala dito,subukan natin minsan makapunta baka maka bingwet tayo"-saad ni Jenny sa akin.

Tumango na lang ako dito,Magtatanghali na rin at naghanap kami ng makakainan.

"Dito tayo"-saad ko na may nakita akong maliit na karinderya .

Marami itong kumakain sa loob halos mga construction workers.Wala talaga akong kaalam alam sa mga ulam kaya hinayaan ko na lang si Jenny pumili ng uulamin namin.

"You want softdrink or water na lang?"-

"Tubig na lang"-sabi ko dito.

"I feel like someone is watching us"-sabi ko kay Jenny na parang baliwala lang sa akin.

"Yeah, mas okay pa ang ganyan na sila ang lalapit sa atin kaysa tayo pa ang maghahanap"-nakangisi na saad ni Jenny sa akin.

" Teritoryo ito ni Rosales,baka may alam na siya"-saad ko kay Jenny na busy itong pumipindot sa kanyang cellphone.

"Walang imposible, si Chua at Rosales ay may hawak ng malaking mining sa Southern Samar at hindi lang mining ,they are also involved in drugs kung huhulihin natin si Rosales madadamay si Chua,so kung hindi tauhan ni Rosales ang nagmamanman sa atin baka kay Chua ito"-seryoso na sabi ni Jenny, hindi kami nag papahalata lalo na alam namin may kaaway sa paligid.

Dumating na ang mga pagkain na inorder namin.

"Walang hiya ka talaga,bakit puro gulay ito?"-nakasimangot na sabi ko kay Jenny na tumatawa ito.

"Masarap naman iyan ah"-nakangisi na saad nito.

"Ayoko ko niyan"-tinawag ko ulit ang dalagita na nagserved sa amin at nag order na lang ako ng adobo.

Mahilig kasi si Jenny sa gulay kahit mga kaibigan ko ganun din dahil mahilig si Jane magluto ng mga ulam kaya parang nasanay na sila.

"Doon ako mamaya matulog sa bahay nila Ace"-saad ko dito na tumango lamang dahil busy ito sa kanyang pagkain.

Dumating na ang order ko at nag umpisa na rin akong kumain. Napansin kong may pumasok na mga Armadong lalaki, tumingin si Jenny sa akin.

"Parang gusto ko maglaro na tagu taguan na may kasamang habul habulan"-saad ko kay Jenny na sunod sunod ang subo ko ng kanin.

Tumawa naman ito.Dali dali naming tinapos ang aming pagkain at iniwan na ang bayad sa mesa.Lumabas na kami ng karinderya at alam namin na nakasunod ang mga ito.

"Bullet proof ito?"-tanong ko kay Jenny sa kotse na dala dala namin.

"Of course Madam"-

Dali dali kami sumakay at pinatakbo agad ito ni Jenny.Kinuha ko ang baril na nakatago sa gilid ng kotse.

"Hindi sila basta basta makipagbarilan kapag matao,kaya iliko mo ang kotse papunta sa maliblib na lugar"-saad ko dito.

Tatlong sasakyan ang sumusunod sa amin.Kinabit ko muna ang maliit na tracking device sa damit ko kung sakali mahiwalay ako kay Jenny hindi ako mahirapan hanapin siya at iyon din ang ginawa niya.

"Game"-nakangisi na saad nito.

Tinigil niya ang Kotse namin sa isang malagong puno,I wear my headphones Which is an intercom para may connection kami mamaya.

"Kita kits"-sabi ko dito at tumakbo na ako papasok ng gubat.

"Medyo madami sila "- rinig ko nagsalita si Jenny ginagamit naming maliit na intercom.

Nakita ko na may palapit sa tinataguan ko,dahan dahan akong lumapit sa likura nito at pinokpok ko ng baril sa bandang batok niya but i really make sure na hindi ito napuruhan dahil ayoko ko rin na patayin sila.

Silencer ang gamit nilang baril,kaya walang ingay na nililikha kapag binabaril kami.Binaril ko na rin ang iba pero alam ko hindi naman napuruhan.

"Kinukuha na nila ang ibang kasamahan nila na sugatan,Kunti na lang sila sa palagay ko aatras na ang mga ito"-saad ko kay Jenny.

Dahan dahan akong lumabas pero nagkamali yata ako dahil hindi ko napansin na may tao pala sa bandang likuran.

Naramdaman ko ang pagmanhid ng kaliwang braso ko.

"Shit!"-usal ko na bigla namang nagsalita si Jenny.

"Santillan are you okay?!"-nag alala na tanong nito.

"Daplis lang "-maiksing saad ko.

Nabigla ako sa pagbaril niya kaya nabaril ko rin ito at napuruhan yata.

Nakita ko si Jenny na tumatakbo palapit sa akin.

"Fuck!what happened!?-galit itong tanong sa akin.

"Hindi ko napansin na may kalaban sa likuran ko"-Napapailing ito ng makita ang dugo na dumadaloy sa braso ko.

"Hindi daplis iyan,malalim ang sugat ng braso mo"-seryosong saad nito.

"Tara na nakaalis na sila"-inalalayan niya ako palabas na ng kagubatan.

Tinali ko muna ng damit ang braso ko para hindi masyado lumabas ang dugo.Pinatakbo agad ng mabilis ni Jenny ang kotse pauwi hindi na ako dinala sa ospital dahil hindi puwedi maimbistigahan ang nangyari sa akin baka lalo mapahamak kami.

Hindi kami sigurado kung kakampi ang mg pulis dito o kalaban.

Pagdating sa bahay si Jenny na naglinis ng sugat ko.

"Ligo lang ako bago mo tahiin ito"-saad ko sa kanya,dahil hindi pa nakukuha ang bala sa braso ko .Mabilis lang ako naligo dahi sobrang manhid na ang braso ko.

Magaling si Jenny sa Suture dahil doctor ang daddy nito,alam ko rin mag suture pero kay Jenny ko na pinagawa para mabilis,tinanggal niya muna ang bala sa braso ko,halos dumugo na ang ibabang labi ko sa pagkagat dahil sa sobrang sakit.

Kumpleto kami sa First Aid kit dito at ibang gamit na kailanganin pati na rin mga gamot.

Pawis na pawis ako bago matapos ni Jenny tahiin ang sugat.Tiningnan ko ang cellphone ko,mag alas siyete na pala ng gabi.

"Dito ka lang ,bili lang ako ng hapunan natin para makainum ka ng gamot"-

Tumango lang ako dito,Mamaya na ako pupunta kay Ace.Saglit lang Jenny at bumalik agad ito Kumain na ako at uminum ng pain reliver at anti Tetanu,pati na rin para sa lagnat dahil medyo mainit na rin ang katawan ko.

Pagkatapos kumain ,gumayak ako paalis.

"Punta muna ako kay Ace"-saad ko kay Jenny.

"Ingat ka,kotse na ang dalhin mo baka mahirapan ka mag drive sa Motor"-

Tumango na ako at lumabas na ,Sinigurado naman namin na walang nakasunod sa amin kaya hindi pa nila alam ang aming tinutuluyan.







Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now