Sobrang uhaw ang nararamdaman ko, parang tuyong tuyo ang aking lalamunan.Pagmulat ko ng aking mga mata,nakita ko na tulog si Ace at hawak hawak ang aking kamay.
Huling naalala ko na nabaril ako ni Black Panther.
Si Jenny!
"Si Jenny?!"-
Agad naman nagising si Ace.
"Baby, thanks God nagising kana!"-lumuluhang sabi nito at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Si Jenny,Ace si Jenny?!"-natatarantang tanong ko dito.
Umiwas ito ng tingin sa akin.Hindi naman masyado malala ang tama ng baril sa Dibdib ko,kaya alam ko na okay ako.Pero si Jenny!sa ulo siya natamaan.
"Puntahan ko si Jenny ,Ace"-nakikiusap na sabi ko.
"Mahina ka pa,baka dumugo ang sugat mo"-mahinahon na sabi nito.
"Ilang araw akong tulog?"-
"Isang araw lang ,mabuti ang tama ng baril malayo sa puso mo"-sabay halik nito sa noo ko.
"H-hindi ka galit sa akin?"-nagtatakang tanong ko dito.
"No,Ako dapat ang hihingi ng sorry, I'm so Sorry baby,sana nakinig ako nang explanation mo, dumating si Caden Salvacion at sinabi niya sa amin ang lahat at hawak niya rin ang tunay na CCTV footage"-
Tinulungan kami ni Caden Salvacion?kahit paano magpapasalamat ako bihira lang nakikialam ang Daddy ni Cassy kapag may kinalaman sa Underground.
"Gusto ko makita si Jenny,Ace"-nakikiusap na sabi ko dito.
"Tawagin ko lang ang nurse para makakuha ng wheelchair"-mahinang sabi nito na hinalikan pa ako sa labi bago umalis.
Hindi ako mapakali hangga't hindi ko malalaman ang sitwasyon ng kaibigan ko.
Maya maya lang pumasok si Ace na may kasamang Nurse at may dala dalang wheelchair.Binuhat ako ni Ace , pinaupo ako ng dahan dahan medyo nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko.
Tinulak niya ang wheelchair palabas,malayo pa lang nakita ko sila Drake.
"Nasa ICU pa rin si Jenny"-ani ni Ace sa akin.
Agad ko tinanong si Drake nang nasa pintuan na kami ng ICU.
"Drake,kamusta si Jenny?"-
Yumuko ito.
"She's in bad condition for now, under observation pa siya"malungkot na saad nito.
"Si Ann?"-tanong ko dito.
"Kasama ni Lance"-si Ace na ang sumagot.
Nakita ko si Dr.Rivas.Nakatingin ito sa akin.Makikita ko ang lungkot at takot sa mga mata niya.Si Jenny lang ang meron siya,namatay na ang Mommy ni Jenny noong ipinanganak ito.
"Baby, Kailangan mo muna magpahinga dahil mamaya lilinisin ang sugat mo"-Mahinahon na sabi ni Ace .
Tumango lang ako dito, Nag paalam na muna ako kay Drake at Geo.
Pagkadating sa kuwarto ko,inihiga ulit ako ni Ace.
"Nahuli na ba si Bert Rosales?"-tanong ko dito.
"Yes,nasa jail na siya at lahat ng mga tauhan niya"-
"Bea dumating ang Daddy at Mommy mo,mamaya nandidito na sila"-saad ni Ace sa akin.
Hindi na lang ako umimik.
"Gusto ko matulog muna"-sabi ko dito,nakita ko ang lungkot at awa sa mata ni Ace.
Tumagilid ako ng higa,hindi ko napigilan tumulo ang luha ko,nakita ko kanina umiling si Dr.Rivas,ibig sabihin wala ng pag -asa si Jenny.
Nakakuyom ang mga kamao ko,Kaya ko naman gumalaw ,maniningil ako ng mga utang ,hindi dapat sila nabubuhay,they don't deserve to live!they don't deserve to died peacefully!
"Bea , I'm so Sorry,alam ko malaki ang kasalanan ko, please forgive me,Baby"-niyakap ako nito habang umiiyak.
Humarap ako dito.
"Wala ka naman kasalanan, biktima ka din"-hinaplos ko ang kanyang mukha.
"Ace,gusto ko muna matulog "-saad ko dito.
Ngumiti ito sa akin.
"Go rest,baby"-hinalikan niya ako sa labi.
Hindi pa tapos ang laro!hindi pa ako tapos!hangga't buhay si Rosales!kahit nasa kulungan na siya, magbabayad pa din siya!
Hindi ko namalayan na nakatulog ako, paggising ko sa tabi ko si Mommy na umiiyak,
"Mom"-tawag ko dito.
"Baby, Thanks God your okay"-umiiyak na sabi nito.
Ngumiti lang ako dito, nakatingin naman si Daddy sa akin,
"I'm so sorry Dad,Sorry kung sinusuway ko pa rin kayo"-mahinang sabi ko dito.
"Binigyan ka ulit ng pagkakataon na mabuhay,sana gamitin mo na ng ayos Bea, please"-mahinahon na sabi ni Daddy.
Tumango lamang ako.
"Si Ace po?"-
"Umuwi muna saglit at may asikasuhin lang daw"-sagot ni Mommy.
Biglang may nag bukas ng pinto.
Si Ann .
"Bea"-lumuluhang tawag niya sa akin.
Nagtataka akong tumingin dito.
"She's gone!"-Humahagulhol ito ng iyak.
No!....No!
YOU ARE READING
Dangerous Assassin's
RomanceBea Clare Santillan- Don't try to blocked her Way. Kilala sa isang black underground na Dangerous Assassin's.Walang sinasanto ,kahit sino kaya niyang banggain. Isa sa Mission niya ang maging isa sa bodyguard na anak ng isang Pinakamayamang Negosyan...