Nakasalubong ko si Don Juaquin sa hagdanan ng pababa na ako.
"Bea?"-nagtatakang tawag nito sa akin.
Ngumiti Ako dito.
"Good morning po"-bati ko dito.
"Kararating mo lang ba?"-tanong niya sa akin.
"Dito po ako natulog ,ah sige po uuwi na ako"-nakangiting pagpapaalam ko na nagtataka pa rin ito.
Kailangan ko ipalinis kay Jenny ang sugat ko dahil namumula na ito.Mabilis ko pinatakbo ang sasakyan. Kahit medyo makirot pa ang braso ko nakaya ko pa naman magdrive.
Pagdating sa bahay dumiretso na agad ako pumasok at nagulat ako na nandito si Ann.
"Ann?"-
Nakangisi lang ito sa akin.
"Nagpahatid ako kay Bry,wala si Lance nasa US siya at sa isang araw pa ang balik kaya gumala muna ako dito sa inyo"-
"Nasaan si baby LA?"-ang haba kasi pangalan ng anak ni Ann na si Loraine Avril kaya LA na tawag namin.
"Sila Mommy at Daddy ngayon nag aalaga"-
Nakita ko si Jenny nag hahanda ito ng almusal.
"Si Bry?"-tanong ko dito.
"Bukas niya na ako susunduin ,dito ako matutulog"-saad nito.
"Oh kain na tayo;"-sigaw ni Jenny.
Umupo na ako,at medyo hirap ako gumalaw.
"Okay na ba ang braso mo?"-tanong ni Ann sa akin ang tingin.
"Medyo makirot pa,ipapalinis ko na lang kay Jenny"-
"Mang aagaw ka talaga Bea,lalo magagalit si Black Panther"-nakangisi na saad ni Jenny sa akin.
Ngumisi lang ako dito.
Nakangisi tumingin ang dalawa sa akin.
"Gusto mo ba na ikabit namin ang apelyidong Smith sa pangalan mo?"-nakangisi na saad ni Ann.
Tumawa naman si Jenny Dito.
"Ano payag ka?"-tanong ni Jenny.
"Alam niyo kaya gustong gusto ko na makasama kayong dalawa dahil matatalino talaga kayo"-nakangisi na saad ko dito.
"Ann,sunduin mo mamaya si Ace sa Company niya"-nakangisi na saad ni Jenny.
Napapailing na nakangisi si Ann sa akin.
"Bea puntahan natin ang simbahan,magaling ka mag sales talk kaya kausapin mo si Father"-ngising saad ni Jenny sa akin.
"Puputok ang butsi ni Grace pag nalaman niya ang boyfriend niya ay kasal na "-natatawang sabi ni Ann.
Hindi ko tuloy napigilan tumawa,fuck! this is a crazy ideas but there's no more choice, Kailangan kunin sa maruming paraan ang lalaking mahal ko.
Kumain muna kami at gumayak na paalis ,si Ann nag drive ng kotse at binababa niya kami sa simbahan.
Ace Ivan Smith
Masakit ang ulo ko dahil sa puyat , sobrang lagnat si Bea kagabi kaya panay ang punas ko sa katawan niya.
Madami akong pipirmahan na mga kontrata sa mga business deal ko.
Narinig ko na may kumatok at pumasok ang Sekretarya ko.
"Si-sir Ace,may nag-naghahanap po sa inyo,Ann Walton daw po"-parang takot na takot ito.
Ano ginagawa dito ng asawa ni Lance?Si Ann ay kapatid din ng dalawang kaibigan ko na sina Ross at Roice.
"Sige pasukin mo"-saad ko dito.
Maya maya lang pumasok na ito , Nakangiti ito sa akin.
"Hello Ace"-bati nito sa akin pero ang mga mata nakatingin sa loob ng office ko.
"Anong Kailangan mo?"-tanong ko dito.
"Sumama ka sa akin may pupuntahan tayo"-nakangisi na saad nito.
"Marami akong ginagawa,sabihin mo kung ano Kailangan mo"-seryosong sabi ko dito.
Nagulat ako dahil tinutukan niya ako ng baril.
"Ba-baka mabaril mo ako"-nauutal na sabi ko, Ghad!tama pala si Ulysses,nakakatakot pala ang kapatid nila Ross.
"Sasama ka or babarilin ko ang Bur mo"-saad nito na tinutok na ang baril sa gitna ng hita ko.
"Pu-puwedi ibaba mo muna ang baril mo"-kinakabahan talaga ako baka maiputok niya ito.
"Alam mo Ace sa lahat na ayaw ko,pinapatagal pa bago sumagot"-nakangisi na sabi nito.
"Pu-puwedi ko ba malaman kung saan mo ako dadalhin?"-tanong ko dito na namamawis na ako sa kaba.
Nakangiti na ulit itong nakatingin sa akin.
"May aayusin tayong business deal na may kasamang free honey moon"-kumindat ito sa akin.
"Tumayo kana diyan ,aalis na tayo dahil bawat oras ko mahalaga"-maoturidad na utos nito sa akin.
Napatulala ako habang nakasunod ito sa likuran ko pati mga empleyado ko takot na takot.
Paano ba naman,habang naglalakad ako nakatutok ang baril sa akin.
Ghad!paano kaya na handle ni Lance ang sobrang tapang ng Asawa niya!
YOU ARE READING
Dangerous Assassin's
RomanceBea Clare Santillan- Don't try to blocked her Way. Kilala sa isang black underground na Dangerous Assassin's.Walang sinasanto ,kahit sino kaya niyang banggain. Isa sa Mission niya ang maging isa sa bodyguard na anak ng isang Pinakamayamang Negosyan...