Chapter 9

5.2K 160 1
                                    

Ang inuupahan naming bahay hindi lang basta ordinaryong bahay,bago ko ito inupahan inayos na ito ni Bry,may mga CCTV nakakabit sa loob at labas ng bahay.Kailangan talaga na mag ingat kami dahil hindi namin basta basta malalaman kung sino ang kalaban namin,hind basta basta may makakapasok dito,dalawang pinto ang nakakabit,unang pinto sa labas susi ang kailangan pero may kasunod na pinto ito at ito ay finger print .

Pinaprocess ni Bry na bilhin ang apartment na ito dahil halos million na ang nagastos niya sa loob ng bahay na puro automatic ang mga gamit,kapag tiningnan mo sa labas ang bahay isang mumurahin lang at medyo luma,pero sa loob Napakaganda ito.

Si Bry ang unang naka partner ni Ann dati sa misyon,Si Geo magaling siya sa computer at siya ang  kanang kamay ni General dahil hawak niya lahat ang info na Kailangan namin ,Si Drake ,I admired him, kasama ko siya dati sa mission.

"Dumating na ang kotse natin"-saad ni Jenny,si Bry din ang kumuha ng kotse para gagamitin namin.

May pumalit na sa akin na kasa kasama ni Ace,bumalik na rin ang personal driver ng binata na si Mang Ernesto.

"Let's go"-saad ko kay Jenny.

Si Jenny na nagdrive,pag si Jenny ang driver kumapit ka na lang ng mahigpit dahil kung hindi langit sa impyerno na ang  diretso niyo ,kaya ayaw talaga sumakay nila Bry pag ito ang driver.Pero kami ni Ann sanay na.

Mabilis lang kami nakarating sa Restaurant ni Grace dahil wala naman  traffic at sobrang bilis magpatakbo ni Jenny na akala mo may hahabulin kami lagi.

"Pasok na tayo"-yaya ko kay Jenny.

Pagkapasok namin marami rami na ang kumakain,umupo kami sa bandang gitna.May lumapit na Waitress at binigyan kami ng Menu.

Si Jenny na rin ang pumili na kakainin namin.Sa umaga kasi mas gusto namin kumain ng Heavy Meal.

"Si Ace nandito"-bulong sa akin ni Jenny.Napataas tuloy ang kilay ko.

Sa dami nang kumakain dito sa loob ng Restaurant alam ko may isang  puwedi na maging kalaban o nagmamanman kay Ace or Grace.

"Huwag tayo masyado mag kumpyensa na lahat dito ay parang mga inosente"-saad ni Jenny.Pareho kami ng iniisip ni Jenny.

"Guwapo ni Ace ,nakailan kayo kagabi?"-nakangisi na saad ni Jenny sa akin.

Napatawa tuloy ako.

Tiningnan ko si Ace at nagsalubong ang paningin namin,sa una nagtataka ito, baka kung bakit magkasama kami ni Jenny.

Dumating na ang order namin at nilantakan na namin ito,hindi kami maarte kumain, halos lahat kumakain dito mga mayayaman at mahinhin o dahan dahan silang kumilos,Pinagtitinginan na kami ni Jenny, napatawa tuloy ako dahil mukhang patay gutom na ang kinikilos namin.

"Gosh,walang manners  kumain."narinig namin na sabi ng isang babae na malapit sa amin.

Lumingon dito si Jenny at nag middle finger ito na ikinasinghap ng nakakita.Hindi ko tuloy napigilan tumawa ng malakas.

"Putang ina niya,wala daw tayong manners baka ipakita ko sa kanya ang perfect attendance ko sa Values."nakangisi na saad nito na umubo pa ako sa kakatawa.

"Pinagtitinginan na tayo"-natatawang sabi ko dito.

Maya maya lang lumapit si Grace Chua sa amin.

"Di ba ikaw iyong babaeng kumain dito sa Restaurant ko na hindi nag bayad at ang boyfriend ko pa ang nagbayad sa pinagkainan mo?!"-mataray na saad nito sa akin.

"Walang hiya ka Bea hanggang dito ba naman nambubudol ka pa, akala ko si Roice lang binubudol mo at baka wala  ka na naman pambayad ngayon."nakangisi na sabi ni Jenny.

"I will put you two in jail if you do not pay for the food you ordered!"-galit na baling ni Grace sa amin.

"Bakit kasama ako, nilibre na lang nga ako nito"-singit naman ni Jenny.

Nakita ko sa Ace palapit dito.

"Love!"-sigaw ko dito.

Nagtatakang lumingon si Grace dito.

"Love? boyfriend ko iyan!"-galit na naman si Grace,hindi ko tuloy napigilan tumawa.

"Hi Ace ,kamusta ang honeymoon niyo kagabi ni Bea?"-tanong ni Jenny kay Ace na pulang pula na ang mukha sa kahihiyan .

"Guard,Guard?!tumawag kayo ng pulis!"-

"Anong ikakaso mo sa amin Jenny?"-tanong ko dito.

"Dahil hindi ba kami magbabayad?ni hindi pa kami tapos kumain at ikaw mismo sumugod sa mesa namin"-saad ko dito.

"Okay tapos na ang palabas ,ipagpatuloy niyo na ang inyong almusal at kakain din kami"-nakangiti na saad ni Jenny sa mga costumers.

Tiningnan ko si Ace at nakita ko sa mata niya ang disappointment.

"Let's go babe,huwag muna silang pansinin at magbabayad naman sila"-saad ni Ace kay Grace na hinawakan ang kamay paalis.

Hindi ako basta basta sumusuko Ace, ngayon Plan B na ako ,sa Santong paspasan na kitang kukunin.

Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now