Chapter Two

856 28 6
                                    

Mamili ka



"Sabay na tayong maglunch, Elle?" Aya sa akin ni Devon nang tumunog ang bell na hudyat para sa lunch break namin.

Nilingon ko si Sheena na nakatingin na rin sa amin. May pang-aasar at ngisi sa mukha niya habang nakamasid sa aming dalawa ni Devon.

"K-kasama ko kasi si... Sheena sa lunch," I said while biting my lips.

It feels awkward to reject him for lunch because he has a good intention. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa katotohanan na nanliligaw siya sa akin.

"Pwede ka namang sumama sa amin, Devon! Nahihiya lang talaga si Quaintrelle sa'yo!" singit ni Sheena sa amin at hinawakan pa ang braso ko at braso ni Devon.

Hinila niya kaming dalawa palabas ng classroom. Napabitaw lang siya ng makasalubong namin ang Cielo sa pagpunta namin sa cafeteria.

"Quaintrelle! Lunch na ninyo? Dating gawi? Sabay ulit?" aya ni Ziv at agad na lumapit sa amin. Iniwan niya pa ang kasamahan niya na nakangisi na sa kaniya ngayon.

"H-ha? Kasama mo naman 'yung mga kaibigan mo.... baka nakakaistorbo lang kami," naiilang na wika ko sa kaniya.

Nakakahiyang sa amin siya sasama sa lunch kahit nandiyan naman ang mga kaibigan niya at saka pa, kasama namin si Devon.

"Wala naman sa kanila 'yan! Tara na?" nakangiting pangungumbinsi niya pa.

Nilingon ko si Sheena upang humingi ng tulong ngunit nakakalokong ngisi lang ang sinagot niya sa akin. Nilingon ko si Devon at may ilang na ngiti na rin siya sa mga labi.

"N-Nakapangako na kasi ako kay Devon na maglu-lunch kami." Ngumiti ako sa kaniya at pinilit na kumawala sa hawak niya.

"Who's Devon?" he asked before gazing at Devon's direction. Nanliit ang mata niya habang nakatingin doon.

"Kakla-"

"Manliligaw ni Quaintrelle! Gwapo 'no? Payag nga ate niya na manligaw itong si Devon! Asus!" putol ni Sheena sa sasabihin ko.

Nanlalaking mata ko siyang nilingon ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy ang pagngisi kay Ziv.

"Mauna na kami, Ziv? Nagugutom na kasi kami at baka biglang tumunog ulit ang bell at hindi na kami makakain!" paalam ni Sheena at hinila na kami patungong loob ng cafeteria.

"Treat ko na! What do you want? Quaintrelle and Sheena?" boluntaryong wika ni Devon.

"Kahit ano basta marami! Lubos-lubusin ko na, kaibigan naman ako ni Quaintrelle," wika ni Sheena at bahagya pang tumawa.

"H-hindi ba nakakahiyang ililibre mo kami?" naiilang na tanong ko.

I mean, we have money to pay for our meals. Nakakahiyang magpalibre sa kaniya dahil baka isipin ng mga nakakarinig ay inaabuso namin si Devon porque nanliligaw siya sa akin.

"Hindi naman! Treat ko na talaga 'to, anong gusto mo?" tanong niya ulit.

"Kung ano na lang din ang order mo, 'yun na lang." Ngumiti ako sa kaniya.

Tumango siya bago nagpaalam na pipili na sa counter. Kinurot naman ako ni Sheena sa braso kaya napaigik ako sa hapdi. Irita ko siyang nilingon pero parang wala lang sa kaniya iyon. May pang-aasar pa rin sa mukha niya.

"Success ang pag-iwas mo kay Ziv! Hindi ka na marupok!" pang-aasar niya pa sa akin.

"Hindi ko naman iniiwasan si Ziv. Nagkataon lang talaga na magkasama tayo ni Devon at nakakahiya kung isasama pa si Ziv," pagtanggi ko pero ang totoo ay may punto ang sinabi ni Sheena.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon