Chapter Twenty-one

657 20 4
                                    

Engineer Z

"Hi, Hon!" I greeted when I saw him sitting on the sofa, sipping his coffee and typing something on his laptop.

He immediately looked at me and smile. Itinabi niya ang ginagawa. Agad naman akong umupo sa tabi niya at ipinalibot ang braso ko sa bewang niya. Agad din naman niyang niyakap ang nraso sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"How's your day?" he asked while we still cuddling.

"It's tiring but fine. Tumulong ako sa café branch sa Albay. Hindi ko nga alam kung makakapunta ba ako doon bukas, masyadong malayo ang Manila sa Albay." Bumuntong-hininga ako at mas sumiksik pa sa kaniya.

Narinig ko ang mahina niyang paghugot ng hininga. "Noong pagkatapos ng kasal natin, umunti ang oras mo sa akin at mas lalo mong inasikaso ang trabaho mo. Nagseselos na ako sa trabaho mo," may himig ng pagtatampo sa boses niya.

Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ang mukha niya. Nakanguso siya habang may ibinubulong-bulong sa hangin.

"I'm sorry. Babawi ako sa'yo, Dae. I love you.." mahinang bulong ko bago muling yumakap sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na ang lumipas, kinikilig pa rin ako tuwing naririnig ko na mahal mo ako," may halong saya ang boses niya.

After an accident that happened to me and Daenrhu, I've lost my memory. My doctor said that it may be permanent or temporary, depende sa reaksyon ng utak ko. Kung anong gusto ko.

But as the years had passed, ayaw kong makaalala pa. Parang may pumipigil sa akin na maalala ang mga nakaraan ko. Pakiramdam ko ay kuntento na ako sa buhay ko ngayon.

I have my husband, Daenrhu. My parents that supported me. Ang sabi ni Dae ay nagkahiwalay daw kami ng tunay kong magulang simula noong hindi pa nangyayari ang aksidente. Hindi na muli akong nagtanong tungkol sa nangyari kahit alam kong alam ni Dae ang lahat at naghihintay lang siya na itanong ko.

Pero alam ko ang desisyon ko, ayaw kong malaman ang nakaraan ko. Alam ko na may halaga pa rin ang nakaraan ngunit sariling isip ko na mismo ang pumipigil sa akin. Siguro ay iniiwas lang ako sa posibleng masamang maidulot ng ala-alang nalimutan ko.


"Hon? Are you tired? Want to eat something? I'll cook," he whispered.

"I'm just tired, Hon. Aakyat na ako, tapusin mo na lang iyong trabaho mo." Ngumiti ako bago kumalas sa yakap.

Narinig ko ang mahinang pagtutol niya dahil sa pagkalas ko sa yakap ngunit hindi naman niya ako pinigilan sa pag-akyat.

"Aakyat na rin ako! Ililigpit ko na lang ito!" he said.

Napailing ako habang may ngiti sa labi. Nang makaakyat sa kwarto ay nagbihis muna ako ng damit bago ako nahiga sa kama. I stared at the ceiling blankly.

Masaya ba ako noong panahon na hindi pa nawawala ang ala-ala ko? Kontento ba ako kagaya kung gaano ako kakontento ngayon? I sighed, realizing that I shouldn't think about the past and just think about my life right now.

"Hon? Let's sleep?" Tumabi nang higa sa akin si Dae at bahagya pang iniayos ang kumot naming dalawa.

He hugged me before he kissed my forehead. "Goodnight, Hon. I love you."

"I love you, too."

__

Pinunasan ko ang noo dahil sa pawis na tumutulo. I'm tired pero kailangan ko pang tumulong para sa café na itatayo dito sa Albay. Albay have special place in my heart. Kahit na dito nangyari ang aksidente ay dito ako lumaki, ayon na rin kay Dae.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon