Chapter Seven

626 20 0
                                    

I like you

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya. Alam kong alam niya na may tao pero hindi man lang siya lumingon sa akin. Nakadukdok pa rin ang ulo niya sa pagitan ng tuhod niya.

Naupo ako sa tabihan niya at natahimik. Dinig ko pa rin ang hikbi niya na tila ba walang katapusan. Pinakiramdaman ko siya ngunit hindi man lang talaga siya gumalaw.

"Ziv?" I called his name but he doesn't response.

Dahan-dahan kong inilagay ang palad ko sa kaniyang likuran. I slowly caressed it to make him calm. Narinig ko naman ang paghina ng kaniyang iyak.

"E-elle... Y-you don't meed to be here, I'm f-fine.." he whispered bago kinuha ang isang lata ng alak.

Iinumin na niya sana iyon ngunit pinigilan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin bago bumuntong-hininga. Binaba niya iyon bago napapikit. Bakas sa mukha niya ang sakit.

"You can tell it to me. I'm just here, Ziv," I softly murmured.

"Your sister rejected me again." Ngumiti siya pero hindi 'yun umabot sa kaniyang mata. "Hindi raw kami pwede dahil sa personal na dahilan. Why? Hindi ba ako sapat para sa kaniya?"

"Everybody is enough. You're enough. Don't down yourself just because someone rejected you." Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon.

"Mahal ko siya, Elle. I love your sister," he said before smiling bitterly.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. Parang sa ganoong paraan niya ipinamukha sa akin na mahal niya ngang talaga ang kapatid ko. Napailing ako sa naisip.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw kong sumuko pero nasasaktan na ako. I want her to love me but she keeps making me feel that I don't have a chance."

"You deserves all, Ziv. There's a time that we need to let go. Minsan mas masakit ang kumapit kaysa ang bumitaw. Yung iba bumibitaw hindi dahil sa ayaw na nila kundi dahil kailangan." Bumuntong-hininga ako bago umayos ng upo. "It's either you stay or let go. That's the only choices."

Napatingin siya sa akin bago marahang tumango. Natahimik kami sa ilang sandali bago niya binasag iyon.

"Pinili mo ring bumitaw, 'di ba?"

Napalingon qko sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang kahulugan ng sinabi niya kaya naghintay akong dugtungan niya iyon.

"You chose to let go our friendship, right?" he asked again.

Napasinghap ako dahil sa pagkaintindi roon. Napailing ako sa kaniya bago sumagot, "I didn't chose to let go. Nagpahinga lang ako dahil napagod din ako, Ziv. Hindi araw-araw ay malakas ako, minsan ay gusto kong magpahinga."

He tsked before shooking hisvl head. "Gusto mo lang makasama si Devon. Nakakainis ka, alam mo ba?" Inis niya akong nilingon. "Ang sakit dito makita na siya na 'yung dahilan kung bakit ka ngumingiti." Itinuro niya pa ang dibdib kung nasaan ang puso niya.

"H-ha?" I asked, bewildered.

"Bakit mo ba talaga ako iniiwasan? Sabihin mo na kasi," may pagtatampo sa boses niya.

"Lasing ka na, Ziv. Kailangan mo nang magpahinga." Hinila ko siya patayo ngunit mabigat siya. "Ziv, tayo ka na."

I continue pulling him but in some reason, hinila niya ako paupo kaya diretsong napaupo ako sa kaniyang hita.

Ramdam ko ang hininga niya sa likuran ko habang nakaupo ako sa hita niya. He encircled his arms around my waist before pulling me closer to him.

"Bakit mo ako iniiwasan nga?" he whispered.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon