Daenrhu Valderama
Habang nakikinig sa mga words of wisdom ni Manong, marami akong natututuhan. I feel like I'm learning again and again about what love is.
"Manong, p'wedeng h'wag mo muna akong iuwi sa sinabi kong address? Parang hindi ko pa kayang umuwi at tanggapin ang sermon ng magulang ko. Dalhin noyo na lang ako sa kung saan," pakiusap ko kay Manong.
Tumawa siya nang mahina bago marahang tumango. Lumiko kami sa isang banda. Hinayaan ko siya kung saan man niya ako dadalhin. May tiwala na ako kay Manong at hindi ako nangangambang may gagawin siyang masama dahil ramdam ko na mabuti siyang tao.
"P'wede ko po bang maitanong kung saan tayo pupunta?" tanong ko dahil hindi pamilyar ang dinadaanan namin ngayon.
"Sa bahay ko. Saktong nasa bahay ang anak ko. Sana'y magkasundo kayo. Ilang taon ka na ba, hija?" tanong niya sa akin.
"17 na po ako, Manong."
"Mas matanda pala siya sayo ng tatlong taon pero tiyak akong magugustuhan ka niya, mabuti kang bata." Ngumiti siya sa akin at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
Habang nakatanglaw sa labas mula sa binta ng taxi ay napagdesisyunan kong hindi na lang pumasok ngayong araw sa klase. Siguro hindi muna ako papasok ngayong linggo? Parang hindi ko pa kayang harapin siya. Matapos ang nangyari at narinig ko, hinang-hina ako. I might break down infront of him if I'll see him again. Pahuhupain ko pa.
Tahimik na kami sa loob ng taxi. Hindi iyon nakakailang, 'yung katahimikan na maganda sa pakiramdam. Siguro dahil komportable ako na ngayon ko lang naranasan. I've never been comfortable with someone, especially when it comes to a stranger.
Huminto ang sasakyan sa tabi ng dalampasigan. Ngayon ko lang nalaman na may malapit pa lang dagat sa syudad. Isang bahay lang ang nakikita ko at iyon marahil ang bahay nila Manong. Tahimik ang paligid at malakas ang ihip ng hangin. Nakakatuwa.
"Tara na, hija. Dahan-dahan lang dahil lulubog ang paa mo sa buhangin," paalala ni Manong.
Ngumiti ako at masayang sumunod sa paglalakad niya. Imbes na mainis sa buhangin ay nakaramdam ako ng tuwa dahil sa lumulubog na paa ko. It's my first time being with this environment. So peaceful. Siguro masayang tumira rito kahit na magisa lang, ano? Kahit malapit lang ang bahay ay parang malayo iyon dahil sa bagal nang paglalakad namin epekto ng buhangin.
Nakarating kami sa tapat ng bakod ng bahay. Simple lang ang disenyo pero maayos ang pagkakagawa. Hindi gano'n kalaki katulad ng bahay namin pero magaan sa mata. Simpleng bahay sa simpleng kapaligiran.
"Tay? Ikaw na ba 'yan? Kain na tayo! Nanghuli ako ng Tamban sa dagat, masarap ito!" Dinig kong sigaw ng boses mula sa loob ng bahay.
"H'wag ka sumigaw, hindi pa naman ako bingi!" Umiling si Manong sa tinuran ng anak bago binuksan ang bakod ng bahay.
Pinauna niya akong pumasok sa loob ng bakod bago niya muli iyong isara. Nauna siyang maglakad papasok sa bahay. Agad ko namang tinanggal ang sapatos ko dahil tinanggal niya rin ang kaniya.
Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. "Ayos lang ba sa'yo na iwanan ang sapatos mo at magyapak lang? Baka hindi ka sanay sa magaspang naming sahig."
Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang po. Dapat po akong magpasalamat sa iyo dahil dinala niyo po ako sa bahay niyo."
"Luh Tay? Sino 'yan?" biglang singit ng sa tingin ko ay ang anak ni Manong. "Hala 'tay? Papalitan mo na ang yumao kong ina?" Madrama pa itong humawak sa dibdib na akala mo'y hihimatayin.
"Siraulo, pasahero ko 'to. Kaso lang ay may malalim na problem kaya dinala ko dito. Ayusin mo nga ang itsura mo, Daenrhu, mukha kang pinaglihi sa balot," tudyo ni Manong sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...