Chapter Eighteen

660 23 0
                                    

Bomb

Nang hindi na muling nagtagpo ang landas namin ni Ziv ay ang pagkawala naman nang biglaan ni Dae. Simula noong huling punta ko sa kanila ay hindi ko na muling nasilayan siya. Pakiramdam ko, nagsisimula nang mawala sa akin ang lahat.

"Hey, why are you sad?" Ate Kataleya asked.

"W-Wala, Ate. Hindi lang ako makapaniwala na gagraduate na ako. After years of having a hard time, makakaakyat na ako ng stage, Ate." Huminga ako ng malalim bago sulyapan ang sarili sa salamin.

Dress ang sinuot ko dahil pagkatapos daw ng Graduation ay ililibre raw ako ni Ate. Kinuha ko ang bag ko at ang toga bago iyon isinabit sa braso ko. Si Ate lamang ang sasama sa akin dahil nasa ibang lugar sina Mama at Papa.

"Are you ready? I'm so proud of you!" ani Ate habang pareho kaming nasa loob ng sasakyan.

"Kinakabahan ako kapag aakyat na ng stage. Ang tagal namin nagpractice pero gano'n pa rin," kinakabahang sabi ko.

Namamawis ang kamay ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng school. Marami na ang magulang at estudyante sa labas ng school. Ang iba ay nagkakasiyahan na habang ang iba ay nakatayo lamang sa gilid. Marahil sa kaba.

Sabay kaming bumaba ni Ate. Siya pa ang nagsabi sa driver na h'wag na kaming sunduin dahil may lakad kami mamaya. Sumunod naman ang driver sa kaniya bago ito nawala sa paningin ko.

"Ang daming tao! Nasa'n ba upuan niyo?" tanong ni Ate habang nililibot ang tingin sa court.

"Nandoon kami sa bandang unahan, Ate." Tinuro ko ang nasa unahan kaya't agad kaming dumiretso roon.

Kasama ko ang ilang nakakuha rin ng with honors sa batch namin. Halos lahat sila ay mababait kaya agad ko rin silang nakaclose during practice namin. Isa rin ako sa magbibigay ng speech dahil salutatorian ako ng batch namin.

Nasa gilid namin ang mga magulang at kasama ng estudyante at doon pumwesto si Ate. Papalapit pa lang siya ay marami nang tumayo na lalaki upang ibigay ang upuan sa kaniya kaya't pasimple akong napatawa.

Kinindatan ko pa si Ate nang magtama ang tingin namin. Umiling lamang siya bago itinuon ang atensyon sa cellphone na hawak niya. Marahil katext iyong sinasabi niyang "nililigawan" niya.

Nasa 20th century na raw kaya't pupwede na raw manligaw ang babae sa lalaki. Siya pa ang gumagastos ng bulaklak kahit parang manhid pa sa manhid ang lalaki.

"Good morning, everyone! After two years of being a senior highschool student, we're finally graduating! Are you excited?" masiglang bati ng emcee.

"Yessss!" Halos nakakabingi ang sigaw ng mga estudyante.

"For now, let's welcome, our school's pride, Cielo!"

Nagpalakpakan ang mga tao at halos sumabog na ang eardrums ko dahil sa sigawan ng mga babae nang lumabas ang grupong Cielo.

Agad na dumapo ang tingin ko kay Ziv. Ngayon ko na lang muli nakita siya simula noong iniwan niya ako sa gitna ng practice. Napatitig ako sa mukha niya. Walang nagbago sa itsura niya ngunit ang mga mata niya ay malungkot.

Nagsimulang tumugtog ang kantang "Die for you" ng The Weeknd.

I'm findin' ways to articulate the feelin' I'm goin' through
I just can't say I don't love you
'Cause I love you, yeah
It's hard for me to communicate the thoughts that I hold
But tonight, I'm gon' let you know
Let me tell the truth
Baby, let me tell the truth, yeah

Parang bumalik lamang sa umpisa. Dahil nakita ko ang pagsulyap ni Ziv sa direksyon ko. Pero ang kaibahan ay wala si Ate sa tabi ko. Ako ang nandito. Agad niya rin iyong iniwas at bahagya pang namula ang mukha.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon