Alcohol
Wala akong imik habang nasa biyahe kaming dalawa ni Hermes. Hindi ko alam kung paano ako magtatanong tungkol sa nangyayari kay Ziv. Nahihiya ako.
This is the first time I've been with Ziv's friend. Hindi ko kasi sila masyadong close kapag nasa eskwelahan kami.
"A-anong pinakamalala na n-nagawa ni Ziv?" lakas loob kong tanong kay Hermes.
He looked at me through the rear-view mirror but immediately looked away. I heard him sighed.
"Hindi ko alam kung ano pa ba ang ginagawa niya kapag wala kami pero siguro ang pinakamalala niyang nagawa ay iyong bumili siya ng singsing na nagkakahalaga ng milyon para lang ibigay sa ate mo," aniya at bahagya pang umiling.
"A-anong nangyari?"
"As usual, Kataleya didn't accept it. Ziverus seems not to mind it and just give the ring to me. Hanggang ngayon ay nakatago pa iyon sa akin. Hindi ko alam kung ibabalik ko sa kaniya dahil baka hindi niya tanggapin." Nagkibit-balikat siya. "Naisip ko na ibigay na lang sa'yo 'yong singsing dahil baka kapag ikaw ang nagbalik kay Ziv ay tanggapin niya."
Natahimik ako dahil doon. Parang hindi ko yata kayang ako ang magbalik no'n kay Ziv, sa kadahilanang masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya. Pinagkatiwala niya iyon kay Hermes pero sa huli ay papakielaman ko? Parang hindi yata magandang pakinggan.
Hindi ko na muli pang binuksan ang usapan hanggang sa maihatid na ako ni Hermes sa bahay. Ilang segundo pa bago ko napilit ang sarili na bumaba mula sa kotse niya.
"Salamat sa.... paghatid," nagaalangan na wika ko.
Ngumiti siya at muling bumuntong-hininga. "Kung sakali man na... magkausap kayo ni Ziv, kahit isang beses lang, sabihin mo, tumigil na siya. Good night, Elle."
He drove the car away while I got frozen. I still processing what he said. Ilang minuto pa bago ako natauhan at pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko pa sa salas si Ate Lusing na naglilinis.
"Oh, Elle, Kain ka muna! Naghanda ako ng pagkain," aniya.
"Salamat po, Ate." Nailinga ko ang paningin sa paligid sa pagbabasakaling makita si Ate Kat. "Nakauwi na po ba si Ate Kat?"
"Hindi mo ba alam? Dumating na ang Mama at Papa mo. Sigurado akong sinundo nila si Kat." Ngumiti siya sa akin bago ipinagpatuloy ang paglilinis.
Mapait akong napangiti dahil sa narinig. Pati ba naman dito ay ganito ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong mabigat na ginawa.
Nagtungo na lang ako ng kusina naghanda ng plato. Nalingunan ko si Manang at inaya siya na kumain pero kumain na raw siya kanina.
"Gano'n po ba? Sige po, salamat sa pagkain!" wika ko bago ko pinaghanda ang sarili ko.
I was in the middle of eating when my phone vibrate. I was shocked when I saw Sheena's name. I immediately read what she sent.
Sheena:
Quaintrelle, I'm sorry for not telling that I'm pregnant. I'm just scared. Devon likes you and I just can't interfere. What happened to ours is just a mistake but that mistake made something. I'm sorry for leaving but I just thought it's for me and my child's good. I don't want to bring Devon down. I want him to be successful. Thank you for being my best friend, Elle. I hope we meet again. I love you!I grip the edge of the table for support. I can't even move a little by that message. My bestfriend for almost five years, slowly leaving everything.
I smiled bitterly while tears continue streaming down on my face. "I'll miss you, Sheena," I murmured.
__
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomantikEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...