They will be back
When the rain stopped, Ziv went home. Anong oras na rin siya bago nakauwi dahil matagal-tagal bago tumila ang ulan. Hindi ko na tinanong sa kaniya ang pinag-usapan nila ni Ate dahil ayaw kong magmukhang chismosa.
"Binigay mo ang payong mo kay Ziv kaya ka nabasa?" tanong ni Ate matapos makauwi ni Ziv.
Tumango ako at nagiwas ng tingin. Hinigpitan ko ang hawak sa twalya na nasa balikat ko dahil sa lamig na nararamdaman.
"Gustong-gusto mo talaga siya, Quaintrelle ano?" may bahid na inis sa tono niya.
"Ate—"
"Elle, don't sacrifice yourself for his sake. Alalahanin mo ang sarili mo bago ang ibang tao. Hindi ba ang sabi ko ay layuan mo na siya para hindi ka na masaktan pa?" putol niya sa akin.
Napaupo ako sa sofa katabi niya at napabuntong hininga. "Iniiwasan ko naman siya, Ate. Kung tutuusin ay si Devon naman sana ang maghahatid sa akin kaso dumating siya at pinigil niya.."
Napailing si Ate at hindi na nagsalita pa. Natahimik kami sandali hanggang sa magpaalam na si Ate na aakyat siya ng kaniyang kwarto.
Sumunod na rin ako at agad na nagtungo sa aking kwarto. Pinatay ko ang ilaw at sinarado ang bintana bago ako humiga sa sariling kama.
I stared at the ceiling while thinking about what Ziv said. Alast-tres ng hapon ang ensayo nila bukas. Paano kung mamasyal kami ni Devon bukas ng umaga at didiretso ako doon ng alas-tres?
Napatango ako dahil sa naisip at kinuha agad ang aking cellphone. Itinext ko ang numero ni Devon.
To: Devon
Sunduin mo ako ng alas-siete ng umaga bukas, Devon.
Pinatay ko ang cellphone at hindi na nag-abala pa na hintayin ang kaniyang reply.
__
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Binulabog ko pa si Ate para lang tulungan ako na maghanap ng isusuot.
"Ano?! Makikipagdate ka? Hindi mo sinabi sa akin agad! Dapat bumili tayo ng bagong damit mo!" aniya nang sabihin ko na lalabas ako kasama si Devon.
"Nahihiya kasi ako, Ate. First time ko kasi ang makipagdate," ani ko sa kaniya at namumulang nagbaba ng tingin.
Napailing siya sa akin bago halungkatin ang closet ko. May inilabas siyang mga dress na hindi ko pa naisusuot at saka ito hinarap sa akin.
"Ito na lang ang isuot mo. Dalian mo!" utos niya at ibinigay sa akin ang isang dress. "Ruffle Hem Mini Sheath Dress ang tawag diyan, kung hindi mo alam, Elle." aniya nang makita ang ekspresyon ko.
Nagtungo ako sa loob ng banyo ko at agad na sinuot iyon. Halos apat na pulgada ang taas niyon mula sa aking tuhod at hapit na hapit iyon sa aking bewang.
"Ate, masyado yata itong maikli," wika ko bago ipakita ang aking ayos kay Ate Kataleya.
"Bagay na bagay sa'yo!" Pumalakpak siya at tumili-tili at tiningnan ako mula sa harapan hanggang sa likuran. "May sapatos ako sa kwarto ko na babagay sa suot mo. Sa ngayon ay kukulayan ko muna ang mukha mo."
"Ate—"
"H'wag ka nang tumutol. Unang date mo ito kaya dapat ay maganda ka!" aniya at hinatak ako patungong kwarto niya.
Pinaupo niya ako sa harapan ng vanity mirror at kung ano-ano ang ginawa sa aking mukha. Simple lang daw ang gagawin niyang makeup dahil papatingkarin niya lang ang features ng mukha ko.
Nang matapos ay agad akong humarap sa salamin. Manipis lang ang kolorete sa mukha ko at bumagay iyon sa suot ko. Napangiti ako dahil sa itsura ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...