Chapter Thirty three

533 13 5
                                    

Love me, Engineer

"Are you fine?" tanong ni Ziverus matapos nilang umupo sa lamesa namin.

"Yes. Why wouldn't I be?" ngumiti ako upang ipakitang ganoon ang nararamdaman ko.

"Your husband.. left. Hindi mo ba siya gustong sundan doon?" aniya, nakatitig pa rin sa mukha ko tila ba'y hinahanap ang kung ano roon.

"Ayos lang naman sa akin na nandoon siya. Lagi naman siyang tumatawag sa akin para ipaalam sa akin na ayos lang siya," sagot ko naman.

"Elle, wala ba kayong beer?" tanong ni Hermes.

"Bobo naman. Cafe 'to, hindi bar." Binatukan  pa siya nung lalaking katabi niya.

Paikot kaming walo sa mesa. Si Sheena ang katabi ko sa kanang bahagi habang si Ziverus naman ang sa kaliwang bahagi kaya't nakakapag-usap kami ng malapitan.

"I'm sorry, wala kaming beer dito eh. Pero kung gusto mo, pabilhin na lang natin si Clarissa?" offer ko.

"Ako na lang ang magsasabi roon," aniya at tumayo na.

"Are you not scared? What if... no offense, he cheats?" muli niyang bulong matapos kaming maputol.

"I trust him that he won't." Marami na rin kasi ang nagtatanong niyan sa akin.

Marriage won't last long if you don't trust your partner. The more kasi na pagdududahan mo siya, parang wala kang tiwala sa pagmamahal niya para sa'yo. What's the purpose of being married if you are full of doubt. Marami naman talaga siyang makakasalamuhang tao.

Hindi na nagsalita si Ziverus. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko sa kaniya. Bumalik naman na sina Hermes na kasama si Clarissa, may dala-dalang paper bag na sa tingin ko ay alcohols ang laman. Inilapag nila iyon sa mesa namin. Nasulyapan ko pa si Clarissa na namumula ang pisngi nang kindatan siya ni Hermes.

"Lahat na lang nilalandi," bulong nung lalaking katabi niya. "Sumbong kita sa crush mo eh."

"Landi as friends lang 'yon! Walang malisya!" depensa aagd ni Hermes bago bumalik sa pagkakaupo.

Siya na ang nagbukas ng paper bag at iba't ibang klase ng beer at alak iyon. Bumili pa siya ng isang bote ng tequila at hindi ko alam kung saan niya iyon nahagilap. Tumayo ako upang ipasabi kay Clarissa na magsara na habang wala pang dumadating na bagong customer. Hindi ko pa naman alam kung paano malasing ang mga kasama ni Ziverus.

"Kayo na lang muna ang uminom, maglilibot-libot na lang ako sa kung saan man," paalam ko sa kanila.

"Sama ako!" ani Sheena at agad na tumayo kahit hindi pa ako sumasang-ayon. "Hoy Devon, h'wag kang mag-inom ng marami. Ayaw kong mag-alaga ng lasing."

"Yes, ma'am," sagot ni Devo at hinalikan pa sa pisngi si Sheena bago muling ibaling ang tingin sa limang kalalakihan na kasama.

"Tara na! Sa mall na lang tayo, libre mo ako," aniya bago ako hilahin palabas ng cafe.

Sasakyan ko ang ginamit namin patungong mall. Ako ang nagdrive dahil hindi raw siya marunong at si Devon lang talaga ang taga-drive. Wala namang problema sa akin iyon dahil sanay naman na ako magdrive para sa sarili at minsan kapag kasama ko sina Clarissa.

"Kamusta ang naging pag-uusap niyo ni Ziv?" tanong niya agad. "Makikichismis lang."

"Hindi ko alam kung maayos ba... Gusto niyang maghintay kahit ayaw ko. Alam naman niyang may asawa akong tao at ayaw kong may nasasaktan akong iba dahil lang sa ginagawa ko." Bmuntong-hininga ako habang nakatutok sa daan.

"Ang tagal din no'n naghintay na bumalik ka pero wala na pala talagang pag-asa. Hindi naman kita masisisi dahil nakita kong mahal mo tagala si Daenrhu at hindi ko rin naman mapipigilan si Ziverus dahil matagal kang hinanap at hinintay no'n," ani Sheena at nagkibit-balikat.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon