Chapter Thirty six

567 19 9
                                    

Video

"H-Hon," bungad ni Dae pagkapasok ko pa lang sa Hospital room niya.

He had this strange machine attached to his body, and I can see he's in pain, which he tried to hide from me. I can't look at him without crying.

"H-Hon, l-look at me," aniya sa malambing na boses. "I-I'm sorry.."

Naluluha akong napatingin sa kaniya. Sa lahat nang sasabihin niya, I'm sorry pa ang inuna. I tried not to sob but I just can't. Parang nahihirapan din ako sa sitwasyon niya. I feel all the pain he feel right now but I just can't do anything to help him ease the pain.

"I'm sorry i-if I'm not the best husband.. M-May pagkukulang a-ako.." Kahit hirap sa pagsasalita ay pinilit niyang sabihin iyon. "H-Hindi ko n-naibigay lahat ng k-kailangan mo.."

"Stop talking! Bakit ba ganiyan ang sinasabi mo? Para ka namang mawawala na sa amin! At naging perpekto kang asawa! Hindi ko kailangan ng anumang bagay, ikaw lang ang kailangan ko!" nabasag ang boses ko sa dulo dahil lalo lang akong naiyak noong ngumiti lang siya sa akin.

"H-Hey, don't be m-mad.. C-Come here.." aniya at tinapik pa ang space malapit sa kaniya. "I want to hold you and our baby.."

Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kaniya. His bruise hands touches my stomach. Wala pang umbok iyon ngunit sa paraan ng paghawak niya, pakiramdam ko ay gumagalaw sa saya ang bata sa loob ko.

"H-Hey, baby.. D-Don't be so hard on your mommy, hmm? H'wag mo s-siyang pahirapan.." bulong nito habang nakatingin sa tiyan ko.

Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang hikbi. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I feel that it's our last day with Dae. I feel I will not see him anymore. I don't want that to happen. We will build our family complete. Ako, Siya at ang magiging anak namin.

"H-Hon, I'm sorry... I will not be able to be with you anymore.. Tutulungan ka n-naman ni Ziv alagaan ang bata.." aniya sa nanghihinang boses.

"Please, h'wag ka nang magsalita... Magpahinga ka na lang.." Gusto kong takpan ang tainga ko para hindi na marinig pa ang sasabihin niya.

Naduduwag ako. Hindi ko napaghandaan ang lahat ng ito. The only thing I thought was my life with him would be perfect. Hindi ko kailanman naisip na magiging ganito ang lahat. Magsasama pa kami nang matagal. Nangako siyang pagbalik niya, magpapakasal kami ulit. We will build our own family pero bakit ganito siya kung makapagsalita?

"I want t-to stay with you and marry you a-again and again but I'm sorry I can't.." nanghihinang sabi niya bago hawakan ang kamay ko at iniligay iyon sa dibdib niya. "Hear my heartbeat because even if it's stop beating, you'll forever be marked in my heart."

"P-please, don't leave me.." pagmamakaawa ko.

Kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa para manatili siya, gagawin ko. Kung kinakailangan kong magdasal nang paulit-ulit para lang bigyan Niya ng mahabang buhay ang asawa ko, handa kong gawin iyon. Hindi ko pa kayang wala siya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit lumalakas ako sa mga pagsubok na dumadating sa buhay ko.

"I'm sorry if I can't stay longer," aniya bago binaling kay Ziv ang tingin. "I know you love Elle, as much as I love her..."

"N-No! What are you saying?" putol ko agad sa sasabihin niya. Ayaw ko nang marinig pa ang mga sasabihin niya! Hindi siya mawawala sa buhay ko!

"Love her. She deserves everything that I can't give her. Alam kong mahal mo siya kaya ipapaubaya ko siya sa'yo.." Nakita ko kung paano tumulo nang sunod-sunod ang luha ni Dae. "Take care of her. Love her. Make her happy. Masyado siyang mahalaga para masaktan. I've seen her in her downfall. Buo ko siyang ibibigay sa'yo kaya sana h'wag siyang madurog muli.."

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon