Text
Napatitig ako sa mga daliri kong naglulumikot. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako gayong wala naman akong kasalanan.
"Kaibigan ko siya sa P-Paris. Half Pilipino siya kaya nakakaintindi siya ng Filipino," nanginginig na sagot ko. "Tungkol naman sa picture, lagi kasi siyang bumibisita sa hotel—"
"What?" he said, angrily. "He visits you, where?"
"Sa lobby lang naman ng hotel. Hindi ko naman siya pinapapasok sa kwarto ko dahil ayaw ko rin machismis. Lagi niyang hinihiram yung cellphone ko at kumukuha ng litrato," pagtatanggol ko sa sarili.
Salubong pa rin ang kilay ni Ziverus pero hindi na siya nagsalita pa. Nilapag niya ang cellphone ko at kinarga si Deu. "Your mother have someone else," bulong niya kay Deu na narinig ko.
Dedepensahan ko pa sana ang sarili ko pero agad na siyang umakyat karga-garga si Deu. Napaupo na lang ako sa sofa at sumulyap kay ate Kat na nagbabasa ng magazine. She glance at me but when she saw me looking at her already, she immediately looked away.
"How's Paris?" tanong niya maya-maya.
"I love the Eiffel Tower. I've been going there many times during my free time but I can't even describe how beautiful it was," sagot ko bago marahang ngumiti. "Do you like Ziv? Naikuwento sa akin ni Sheena na madalas ka raw dito. I know that Ziv liked you. Baka kayo pa ang magkatuluyan niyan ngayon," pabirong sabi ko.
Napatitig sa akin si Ate nang matagal bago natatawang umiling. "Madalas ako rito, oo. Pero sa tingin ko, iba ang gusto ni Ziverus."
That caught my attention. If it's not ate Kat, then who? "Who is it? Do I know her?"
"You do know her. Hindi ko nga alam kung bakit napakamanhid lang niya. Biruin mo, lagi niyang kasama si Ziverus tapos magtatanong siya kung sino ang gusto? Kapag nalaman mo talaga, mapapa-opps ka na lang," aniya.
Tumayo siya kaya't napatingala ako sa kaniya. Inilapag niya ang magazine na hawak-hawak bago seryosong tumingin sa akin.
"If it will make you happy, go for it," aniya bago umalis.
Natulala ako hanggang sa makalabas na siya ng pintuan. If it will make me happy? What does she mean by that? And sino iyong gusto ni Ziv? Madalas niyang kasama?
"Tapos ko nang paliguan si Deu. Kumain ka na ba? May pagkain sa kusina," ani Ziv nang makababa mula sa taas.
"Busog pa ako. Aakyat na ako sa kwarto. Pakipatay na lang ang ilaw," matamlay na sambit ko bago nagmamadaling umakyat sa kwarto ko.
Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol kay Ziverus. Balak niya nang ligawan iyong babae, naghihintay lang siya ng pagkakataon. If it's not ate, sino pa ba ang madalas niyang makasama? Iyong katrabaho niya ba sa Laguna?
Before I even fell asleep, I heard a knock on my door. Tumayo ako upang pagbuksan iyon. I was shocked when I saw that it was Ziverus pero ang mas nakakagulat ay ang bulaklak na hawak hawak niya. It's a bouquet of chrysanthemum.
"It's for you. Welcome home?" aniya at marahang inabot sa akin ang bulaklak. "I missed you."
My tears pooled around my eyes and before he could even utter a single word, I encircled my arms around him and hugged him tight. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng bulaklak dahil hindi ko naman pinaalam sa kanila na uuwi ako dito.
"I ordered it awhile ago. Ngayon lang dumating. I hope you'll love it," he said.
"I love it. Thank you." Kinuha ko ang bulaklak mula sa kaniya. "Do you want to go inside?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...