Chapter Thirty eight

568 15 1
                                    

Fireworks

Halos gabihin na kami kay nila Mama dahil ayaw pang umuwi ni Deu. Mabuti na lang at napilit ko siyang umuwi. I told him that Ziv bought him toys. Panigurado'y meron naman talagang iuuwi si Ziverus na laruan dahil iyon madalas ang pasalubong niya kay Deu tuwing umuuwi siya galing sa site visit.

"Mama-lola said that we should visit again," ani Deu nang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Surely. Gusto mo ba ulit magplay kasama sila?" tanong ko habang ang paningin ay hindi inaalis sa daan.

"Yes po. Binigyan din po ako ni Lolo-two ng chocolate. Dami ko pong nakain," pagkukwento niya pa.

"Just make sure to brush your teeth later, okay?"

Tumango naman ito nang malawak ang ngiti. Hindi na siya nagsalita pa dahil napagdiskitahan niya ang cellphone ko at nagpindot doon ng kung ano-ano. I just let him play with my phone until we are outside the house.

"We're home na, Deu," tawag ko sa kaniya at agad naman niyang binitawan ang cellphone ko at tinanggal na ang seatbelt niya.

"Tito Ziv!" sigaw ni Deu kahit nasa labas pa ng bahay.

Napangiti ako dahil doon bago siya sinundan. Kukunin ko na sana ang susi mula sa bag ko ngunit agad na bumukas ang gate. Bumungad sa amin si Ziv na agad ibinuka ang mga braso. Mabilis namang tumakbo si Deu doon at yumakap. Parang ang tagal hindi nagkita.

"How's Mama-lola?" tanong ni Ziv kay Deu habang naglalakad at karga-karga ito.

Sumunod ako sa kanila habang nakatingin pa rin kung paano sila mag-usap.

"Mama-lola is fine. Papa-lolo is also fine. Lolo-two is fine too. Naglaro po kami and they gave me chocolates," maligayang pagkukwento ni Deu kay Ziv.

"You should brush your teeth, then. I have a gift for you," ani Ziv bago inilapag si Deu sa sofa. "You want toys?"

"Yes po!" Lumiwanag ang mata ni Deu habang excited na nakatingin kay Ziv.

"Wait me here." Umalis si Ziv para siguro ay kunin ang laruan na regalo niya kay Deu habang ako naman ay nagtungo ng kusina upang magluto ng uulamin namin ngayong hapunan.

"Wow! Cars!" dinig kong sigaw ni Deu mula sa salas.

"And I heard you want a toy gun, I bought you one," ani Ziv.

Napailing na lang ako. Masyadong spoiled si Deu kapag dating kay Ziv kaya tuwing ako na ang kasama ni Deu, hirap akong icontrol ang mga gusto niyang bilhin.

"Hi, Elle," boses ni Ziv mula sa bukana ng kusina.

Nilingon ko agad siya at nginitian. "Thank you sa regalo," pagpapasalamat ko bago muling nilingon ang niluluto.

Naalala ko na naman iyong sinabi ni Papa sa akin. Posible kayang makahanap siya ng iba? Sabagay, baka sa pagbisita niya sa site kung saan siya ang engineer, maaaring makakita siya roon nang matitipuhan. I should be happy. Magkakaroon na siya ng babae na mag-aalaga sa kaniya but why am I feeling his way?

Kumunit ang noo ko. Paki ko naman kung makahanap siya ng babae. Magiging masaya na lang ako kung gano'n. Hindi ko naman na problema iyon.

"Hey, you need to stir it," dinig kong boses ni Ziv mula sa likod ko. "You're spacing out again."

"I'm sorry. I'm just stressed," sagot ko kahit ang totoo ay nababahala ako sa sinabi ni Papa.

Ginawa ko ang sinabi niya at hinalo ang niluluto. Matapos ay tinakpan ko ito upang pakuluin. Nasa likod ko pa rin siya at halos hindi gumalaw sa pwesto. Nilingon ko siya bago bumuntong-hininga.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon