Chapter Fourteen

658 27 6
                                    

Nakawala

"Where the hell have you been, Quaintrelle?!" nagulat ako sa biglang sigaw na iyon ni Ate Kataleya.


I do expect that it will be like this but I was just shock because it's too sudden. Napayuko ako dahil sa kaba at hiya. Hindi ako nakapagsabi o nakapagtext man lang sa kaniya na hindi ako uuwi kaya sigurdong nag-alala siya.

"S-Sa ano... sa k-kaibigan ko lang, Ate.." Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Galing naman talaga ako sa kaibigan ko.

"Nung isang araw ka pa nawawala at hindi ka pumasok kahapon! Tinanong ko si Devon at sinabing nakita ka niyang kasama si Ziv," aniya bago himinga ng malalim. "Tinanong ko si Ziv at ang sabi niya ay hindi niya alam kung nasaan ka! Umalis ka raw agad."

Nakagat ko ang labi dahil sa narinig. Hindi naman totoong umalis ako kaagad. Ganon ba siya nagsisi sa nangyari para sabihin iyon? Napabuntong-hininga ako at pinilit ang sarili na h'wag maiyak sa harapan ni Ate.

"Totoo na galing ako kay Ziv noong isang araw. Kaganina ay nasa kaibigan ko ako nakitambay." Nakurot ko ang sarili bago tumingin ng diretso sa mata ni Ate. "Pahinga muna ako, Ate. Pagod pa ako sa biyahe eh."

"T-Teka—" Hindi ko na hinintay na magtanong pa muli si Ate at agad na akong umakyat patungong kwarto ko.

Nang makarating ay agad kong inihiga ang aking katawan sa kama. Natulala ako sa kisame. Pumasok muli sa isipan ko si Ziv.

May pag-asa pa kaya kami? O dapat h'wag na akong umasa pa sa kaniya?

It takes me hour before I drifted into sleep. I woke in next morning when my alarm rang. I lazily stood up and turn off my alarm.

Tinimbang ko ang sarili ko kung papasok ba ako sa school at sa huli ay bumuga ako ng hangin at napagdesisyunan na pumasok na lang. Naalala ko na baka magtungo si Daenrhu doon at baka maghintay siya sa wala.

Matapos maligo ay hinanap ko ang uniporme ko pero wala akong nakita sa damitan ko. Napapikit ako nang makita ang uniporme sa labahan. Hindi ko iyon nalabhan.

I don't let Ate Lusing wash my uniform because I could do it myself. I was kicking myself for not washing it sooner.

Meron pa naman akong ibang uniporme kaso ay iyon ang pinatahi sa akin ni Ate Kataleya at maiikli iyon. Hindi pa ata lumalagpas iyon sa aking tuhod kaya hindi ko sinusuot.

Wala akong ibang pagpipilian dahil mahuhuli na rin ako. Iyon na lamang ang isinuot ko at pikit mata na lumabas mula sa kwarto.

Nasa hapag na si Ate Kataleya habang si Ate Lusing ay hinahanda ang almusal namin. Napalingon sa akin si Ate Kataleya at napanganga.

"Sinuot mo na! Bagay sa'yo!" tuwang-tuwang ani ni Ate.

"Sin—Quaintrelle! Bagay sa'yo na ganiyan ang uniporme!" puri rin ni Ate Lusing.

Nahihiya akong nagbaba ng tingin. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagpaalam na dahil mahuhuli ako sa klase ko. Hindi na ako nag-almusal.

Nang makarating sa school ay halos kakaunti na lang ang estudyante sa labas. Marahil ay nagsisimula na ang klase ng iba kaya't binilisan ko ang lakad ko.

"Elle? Buti na lang at pumasok ka! Hinanap ka ng ate mo kahapon kaso ay absent ka!"

Nakasalubong ko pa si Hermes kaya napapikit ako. Tumango na lamang ako sa kaniya bago nagsimulang maglakad muli. Wala na akong nakikitang kaklase ko sa labas ng classroom namin kaya nakagat ko ang labi ko.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon