Chapter Twenty

643 21 6
                                    

I love you,, my queen

When I was young, I always thought that growing up means having a better life. I always look forward for my birthdays because I thought when I grow up, it will be easy for me to do whatever I want.

No one taught me that life is full of struggles. No one dare to tell me that life is full of pain. No one dare to say that the world is cruel. World is full of cruelty and challenges. No one has ever told me that growing up means experiencing so much pain.

I held the necklace that my sister gave. It is the only thing that I have right now. She gave me this necklace when it's my 16th birthday and I treasure this so much.

Hindi ko man kabisado ang daan patungo sa bahay nila Daenrhu ay susubukan ko pa rin.

Wala akong kasama habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay nina Daenrhu. Wala akong mapuntahan o masumbungan. Tuwing naiisip ko ang nangyari ay alam kong may parte na kasalanan ko. Mas inuna ko pang iligtas ang ibang tao kumpara sa sarili kong kapatid.

Walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako. Ako ang dahilan kung bakit nandoon si Ate. There's so many what if's. There's so many regret inside of my mind. Hindi ko na alam ang gagawin dahil sobrang daming boses na ang naririnig ko sa loob ng isipan ko.

"Walang kwenta!"

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

"Lumayas ka!"

Napahinto ako sa paglalakad at tinakpan ang tenga ko't napapikit. It hurts. Paulit-ulit ang sinasabi ng boses na iyon hanggang sa palakas na sila nang palakas. Hindi ko alam kung paano sila patatahimikin.

"T-Tama na.. p-please..." I whispered, trying to stop the voice in my head.

They words just hurt. The words that the voice say just stabbing my heart again and again. I want to stop the voices but I don't know how.

Napaupo ako sa kalsada at doon sinubukang patahimikin ang mga boses na naririnig ngunit hindi sila matahimik. Pakiramdam ko ay trabaho nila ay sabihin sa akin na kasalanan ko. I pulled my own hair so I could feel physical pain but my heart just feel heavy. Walang silbi ang pananakit ko sa sarili dahil kahit anong gawin ko ay mas masakit ang puso ko.

I didn't know that words are much painful than the physical pain my mother inflicted on me. Mas masakit at nag-iwan ng marka ang mga sinabi niya sa akin kaysa sa pananakit niya. It hurts so much.



"Q?" A voice suddenly calls out my name.

Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Mas bumabagabag sa akin ang boses. Paulit-ulit lang ang sinasabi. Wala akong kwenta. Ako ang may kasalanan.

I don't know what to do anymore until I feel a warm hug from a one person. Siya na rin ang nagtanggal ng dalawang palad ko mula sa magkabilang tenga ko. Mainit ang palad niya at ramdam ko ang pagiging ligtas sa mga kamay niya.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko at nagtama ang paningin namin ni Daenrhu. Lalo lang akong napaluha. I immediately encircled my arms around him and cried on his chest. It really feels comfort.

"Shhh. What happen? Tell me.." he whispered. He caressed my back and embraced me tightly.

Hindi ako nakapagsalita at ang tanging nagawa ko lang ay yakapin siya at umiyak sa dibdib niya. Hindi ko kayang sabihin ang mga nangyari. Pairamdam ko lahat ay sisisihin ako. Pakiramdam ko, maski siya, kapag nalaman ang nangyari ay sasabihing kasalanan ko.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon